Chapter 14

1.4K 60 0
                                    

"Yeheey spaghetti." Masayang bulalas ng mga bata.

Masayang kumain ang mga bata sa hapag habang pinag mamasdan ito nila Angelecca at Ellieoth.

"Nasaan ba ang asawa mo?" Pag oopen ni Angelecca sa paksa.

Napatingin si Ellieoth sa babae at pinag masdan niya ito ng matagal bago mag salita.

"Hindi pa siya bumabalik, miss na miss ko na nga siya." Malungkot na turan Ellieoth at muling bumaling sa mga bata.

Naguguluhan man si Angelecca pero hindi na muli pang nag tanong.

"Pwede ka bang tikman."Pilyong wika ni Ellieoth at pasinmpleng tiningnan si Angelecca.

"W-what?" Kunot noong tanong ni Angelecca.

"Ahmm, i mean pwede ko bang tikman ang spaghetti mo." Sambit ni Ellieoth at sabay ngumisi.

"Iwan ko sa'yo ang pilyo mo."

Litaniya ni Angelecca at nag lakad patungo sa kabinet at kumuha ng plato at tinidor.

Nilagyan niya ng spaghetti ang plato at lumapit kay Ellieoth at sabay abot rito.

"Subuan mo ako." Pag lalambing ng lalaki kay Angelecca at ngumanga.

Kumuwit ang babae ng spaghetti gamit ang tinidor at sinubo kay Ellieoth.

"Ahmm, ang sarap mo talaga mag luto, kasing sarap mo." Nag init bigla ang mag kabilang pisngi ni Angelecca. Ano ba itong lalaking to napaka bulgar masyado mag salita.

"Ang bibig mo ano ka ba may mga bata." Saway niya sa lalaki at sabay hampas nito ng mahina sa malaking braso ni Ellieoth, tumawa lang ng mahina ang lalaki at sabay kurot sa ilong ni Angelecca. " So beautiful !" Wika ni Ellieoth at inagaw sa kamay ni Angelecca ang hawak nitong tinidor.

Kumuwit si Ellieoth ng spaghetti at pinaikot-ikot ito sa tinidor, sabay tapat nito sa bibig ni Angelecca.

"Ah," Saad ni Ellieoth, ngumanga naman si Angelecca at sabay subo ni Ellieoth sa kaniya ng pagkain.

Napansin ni Ellieoth ang sauce na nasa gilid ng labi ni Ecca, kinabig niya ang likod ng ulo ng babae papalapit sa kanya. At mabilis na dinampian ng labi ni Ellieoth ang gilid ng labi ni Angelecca kung nasaan ang sauce ng spaghetti.

Nawindang ang babae dahil sa pag kabigla.

Sa ganoon silang pwesto ng nadatnan ni Ford. May sariling susi kasi ang lalaki sa unit ni Angelecca. Plano sana niya yayain lumabas ang babae, kailangan niya ng lubus-lubusin ang oras at ang maiksing panahon na habang kasama niya pa ang babae.

Dahil ilang araw nalang ang bisa ng gamot na itinurok ng doctor kay Angelecca upang hindi ito makaalala. Wala ng balak pang paturokan muli ni Ford si Angelecca dahil napag desisyunan niyang hayaan maka-alala ang babae. Panahon na siguro para ibalik niya ito sa totoong nag ma-may ari rito. At iyon ay si Ellieoth pero kailangan niya ng lubus-lubusin ang ilang araw na makakasama pa niya ang babae.

Kailangan niya muna maging makasarili ngayon kailangan niya makasama ang babaeng una niyang nagustuhan at minahal.

"Ahem!" Agaw ni Ford sa atensiyon ng dalawa nakatayo siya sa pinto ng kitchen. Agad naman lumayo si Ellieoth kay Angelecca at tumingin kay Ford.

"Fork De Lata you are here !"

Nakangising wika ni Ellieoth at ngumiti na parang nang aasar. Hindi nalang pinansin ni Ford ang pang bu-buwisit sa kaniya ni Ellieoth.

"Honey , hindi ko alam na may bisita ka palang manok rito. " Pansin ko kasi ay napapadalas yata ang pag tuka nito sa'yo." Sarkasmong saad ni Ford at sabay patak ng halik sa pisngi ni Angelecca ng makalapit.

My Possessive Husband' Season 2.( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon