Final Chapter

2.8K 52 3
                                    

"Are you insane?! Bakit mo dinala ang batang iyan dito?. Jesus christ! nag dala ka lang ng problema." Galit na wika ng isang babae habang nakatitig. Sa batang babaeng umiiyak sa sulok ng isang silid.

"Huwag mo akong pangingalaman, alam ko ang ginagawa ko!" Mariing saad ng lalaki.

"Really huh, hindi kaba naawa sa mga magulang ng batang yan. I'm sure nababaliw na ang mga iyon kakahanap sa anak nila. Look at her, nakakaawa ang bata. May anak kana bakit kaya hindi mo ituon ang atensiyon mo sa anak mo!"

Sermon ng babae sa lalaking kausap nito. Palakad-lakad ang babae, iniisip niya kung ano ang maaaring gawin para maibalik ang bata.

"Ibabalik ko ang bata sa mga magulang niya. Bata pa siya para makaranas ng ganitong pamumuhay." Anang ng babae.

Dumilim ang reaksiyon na mukha ng
lalaki.

"Iyan ang huwag mong gagawin ate, dahil tayong dalawa ang magiging mag kaaway." May diin sa boses ng lalaki.

"Are you okay? Hindi kaba naawa sa bata. Isang bata ang gagantihan mo, para sa pang sarili mong intinsiyon."

"Goddamn it! Isa kang makasariling nilalang. Ang tagal-tagal ng panahon yun pero hindi kaparin nakaka-limot." Sambit ng babae.

"Namatay ang magiging anak ko at pati si shasha nawala sa akin. Nang dahil sa Ellieoth Del Falco na yon!" Sigaw ng lalaki. "Paano ako makakalimot, kung hanggang ngayon dala-dala ko ang sakit, at kalungkutan. Paano ako magiging masaya kung hanggang nagayon hindi ko makalimutan si Shasha.

"Alam natin pareho na aksidente ang nangyari. Walang may gusto sa nangyaring iyon, itatak mo yan sa utak mo. Mag kaibigan kayo, kaibigan mo siya noon. Wag mo naman kalimutan na naging mabuting kaibigan siya sa'yo. Tapos ngayon pag kakaitan mo ang batang iyan na makasama ang kan'yang mga magulang, dahil lang sa galit mo? Tumatanda ka ng pa-urong. Mga Deogracia tayo, hindi maganda ang imahe natin sa mata ng ibang tao. Tutulad ka paba kay lolo at kay Pa'pa? Na walang ginawa gumawa ng hindi maganda. Huwag mo ng dagdagan pa Diego! Huwag mo ng tularan si Pa'pa at si Lolo."

 
"Kahit ano ang sabihin mo ate hindi na mag babago ang isip ko. Buo ang desisiyon ko ikukulong ko ang batang iyan dito mismo sa mansion. And don't worry, hindi ko siya pababayaan. Pakakainin ko siya, at paalagaan kay Elizabeth. Happy ?"

Pagkatapos ay umalis na ang lalaki, padabog nitong sinirado ang pinto ng kwarto.

"Mama, Daddy!" Umiiyak na usal ng batang babae.

Walong buwan ng nasa kamay ni Diego si Sadia. At ikinukulong niya ang bata sa isang silid.

Napahilot nalamang ng kan'yang sintido, si Amber. Ang nakakatandang kapatid ni Diego.

Ito ang plano ni Diego ang pahirapan ng husto ang dating kaibigan. Gusto niya iparamdam sa lalaki kung anong pakiramdam ang mawalan ng isang anak.

Ibabalik naman niya ang bata, pero hindi pa sa ngayon. Dahil gusto niya muna makita kung paano mag dusa si Ellieoth.

Fourth year college noon si Ellieoth at Diego ng maging mag kaibigan ang dalawa.

At dahil malapit si Diego kay Ellieoth ay naging kaibigan din nito sila, Styles, Kole, Ed, Tyron at Luke.

Isang gabi napag pasiyahan nilang mag kakaibigan mag tungo sa isang silibrasiyon.

Ang silibrasiyon na ito ay kay Kole, kaarawan ni Kole ng mangyari ang trahedya. Nang mga panahon na iyon nobya ni Diego si Shasha. Labis talaga ang pag mamahalan ng dalawa para sa isat-isa. Dahil sa pag mamahalan na iyon ay nag bunga ang pag iibigan ng dalawa.

Tatlong buwan buntis noon si Shasha.

Kasama nila ang babae sa nasabing silibrasiyon. Nag kakasayahan ang lahat ng biglang may dumating na babae, at may kasama itong tatlong kalalakihan.

My Possessive Husband' Season 2.( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon