Chapter 15

1.8K 65 0
                                    

Kanina pa hinahanap ni Angelecca si Ellieoth pero hindi niya ito makita. Nag tanong narin siya kay Alliah pero hindi rin nito alam kung nasaan ang nakakatandang kapatid nito. Ibinilin ni Angelecca sa mga ya'ya ang kaniyang apat na anak bago ikutin ang malaking resort.

Nag punta narin siya sa cabin pero wala doon ang lalaki.

Muli siyang bumalik sa baybayin at doon nag umpisa mag hanap kay Ellieoth.

Medyo papadilim na alas sais narin ng hapon kaya papalubog na ang araw.

Kahit palubog na ang araw ay marami pa ang naliligo sa dagat mostly ay mga mag kasintahan. May mga tambay rin sa gilid ng baybayin karamihan ay umiinom ng alak.

Lahat ng taong naririto ay mga guest ng Del Falco resort, mga bakasyunista.

Patuloy lang sa pag lalakad si Angelecca ng maka salubong niya ang isang staff na nag tatrabaho sa resort.

" Ma'am Angelecca saan ho kayo pupunta ? ".  Tanong ng lalaki sa kaniya habang bitbit ang tray na nag lalaman iba't iban klase ng alak.

" Ahm,, hinahanap ko kasi si Ellieoth, nakita mo ba siya ?"

Tanong ni Angelecca sa lalaki..

' Ah, si señorito nakita ko ho siya kanina, papunta roon sa lumang white house. "  Sagot ng lalaki at sabay turo sa bandang dulo medyo malayo na ito sa resort.

Lumingon si Angelecca kung saan tinuturo ng lalaki ang white house. Medyo malayo na ito sa resort at natatakot rin siya mag isang pumunta roon , marami pa naman ang lalaking tambay ngayon sa baybayin.

" Salamat , sige pupuntahan ko lang siya. " Paalam ni Angelecca sa lalaki at nag umpisa ng humakbang.

" Sandali lang ho ma'am sasamahan ko ho kayo, kahit sa kalahatian lang. " Baka mapano po kayo , naku tiyak na malalagot kami kay Señorito." Pigil sa kaniya ng lalaki , sakto naman dumaan pa ang isang waiter kaya tinawag ito ng lalaki.

Hangang sa kalahatian nga ay hinatid ng lalaki si Angelecca. Habang nag lalakad si Angelecca ay palinga-linga siya lumingon rin siya sa lalaking waiter naroon pa ito at hindi pa umaalis. Nang medyo malapit na siya sa malaki at lumang white house ay kinawayan niya ang lalaki.

Pumasok si Angelecca sa lumang gate na kulay puti medyo  kinakalawang narin ito. Humakbang siya sa limang baitang ng hagdan na gawa sa kahoy ang apakan nito.

Nang makapasok siya sa balkonahe ay agad siya nagtungo sa pinto at marahang pinihit ang seradura ng pinto. Hindi naman ito naka lock kaya  madali lang siya nakapasok sa loob.

Medyo maalikabok rito, halatang hindi masyadong nalilinisan.

Bawat dinadaanan niyang dingding ay kinakapa niya at nag hahanap  ng switch ng ilaw.

Madilim sa loob ilang beses narin siya napapalunok. Takot pa naman siya sa dilim nag sisi tuloy siya na nag punta pa siya rito naisip niya ay baka wala na rito si Ellieoth at bumalik na ito ng resort.

Maingat na hakbang ang kaniyang gamit ng biglang may narinig siyang ingay ng isang bagay na bumagsak sa banda sa itaas. Kaya naisipan niyang mag punta sa parteng itaas ng white house. Baka naroon si Ellieoth , malimit lang ang kaniyang kilos ayaw niya maka gawa ng ingay buti nalang ay dala niya ang kaniya cellphone.

Itong nag sisilbing ilaw na kaniyang ginagamit sa madilim na paligid.

" Ellieoth ! .  Kabadong usal ni Angelecca hindi niya maiwasan matakot paano na lang kung biglang may black lady na lumabas kung saan.
Naaalala niya tuloy ang movie na kaniyang napanood.

Nag lalakad siya sa pasilyo ng may muli siyang marinig na ingay, nanggagaling ito sa isang kwarto .

" Ellieoth ! .  Tawag niya muli sa pangalang ng lalaki.

My Possessive Husband' Season 2.( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon