Chapter 25

1.4K 44 0
                                    

Ngayong araw ang alis ni Ellieoth patungong spain, may dadaluhan siya doon na isang malaking silibrasiyon. Ang  silibrasyon na ito, ay ang pag bibigay ng award para sa mga taong pinaka successful na business man sa buong mundo. At kasali roon si Ellieoth Del Falco.

Isang linggo lang naman mamalagi roon si Ellieoth at babalik din ito kaagad. Ayaw niya sanang dumalo, ngunit pinilit siya ni Angelecca, sayang daw kasi at minsan lang ito mangyayari sa buong buhay ni Ellieoth.

Labag man sa loob ni Ellieoth na umalis dahil maiiwan niya si Angelecca at ang mga anak niya, kailangan niya mag punta roon. Kahit isang linggo lang siya mawawala ay mami-miss niya ng sobra ang kaniyang mag iina.

"Mag iingat kayo rito at lagi kang tatawag sa akin." Malungkot na wika ni Ellieoth.

"Yes, sir mag iingat kami para sa'yo, ikaw ang mag iingat doon. Mahal na mahal kita!"

"Mas mahal na mahal kita Angelecca!" Malamyos na saad ni Ellieoth.

"Kapag may problema kayo dito sa mansion, tumawag ka lang kay Styles o kaya Gray."

Ani ni Ellieoth at hinaplos ang makinis na pisngi ni Angelecca. Magaan na halik sa labi ang ginawad ni Ellieoth para sa babae.

"Aalis na ako,"

Isa-isang pinatakan ng halik ni Ellieoth ang tatlo niyang anak na babae.

"Son, ikaw muna ang bahala sa mga kapatid mo at sa mama mo, habang wala ako." Bilin ni Ellieoth sa panganay nitong anak na lalaki.

"I will dad," sagot naman ni Leo.

Muling hinalikan ni Ellieoth sa labi si Angelecca, sa oras na ito ay medyo matagal lumapat ang mga labi nila sa isa't-isa.

"Let's go sir," boses ni Salvador ito ang makakasama ni Ellieoth patungong spain.

Yumakap si Ellieoth ng mahigpit kay Angelecca.

"I love you!

Bulong ni Ellieoth sa tainga ni Angelecca. "I love you most...

"Edward kayo na muna ang bahala rito, mamaya dadarating na ang mga hin-hire kong bodyguard upang mag bantay sainyo."

Sambit ni Ellieoth at marahang tunapik sa balikat si Edward, bago tuluyang sumakay ng sasakyan.

"Ingat boss,"

Hanggang sa makalabas ng gate ng mansion ang sinasakyan ni Ellieoth, at nanatiling nakatayo parin sa labas ng malaking pinto ng mansion ang mag iina ni Ellieoth.

"Mama, hindi naman po mag tatagal si Daddy doon hindi po ba?"

Tanong ni Tresshella sa ina.

"No, baby babalik din ka-agad ang daddy niyo." Naka ngiting sagot ni Angelecca sa anak at inakay ang mga ito papasok sa loob.

Ilang araw nalang at malapit ng matapos  ang renovation ng mansion nila Angelecca.

Tapos ng ayusin ang sa sala at kitchen, doon nalang sa rooftop ng mansion ang pinaka huling aayusin.

"Angelecca!"

Paakyat ng hagdan sila Angelecca at ng mga anak nito ng tawagin siya ni Lyra ang interior designer.

"Yes, Lyra may kailangan ka?" Malumanay na tanong ni Angelecca sa babae.

Nakatitig lang ang babae kay Angelecca, nag dadalawang isip ang babae kung mag sasalita ba ito o hindi.

"May sasabihin ka ba Lyra?" Ulit na tanong ni Angelecca.

"Ahmm, i'm sorry!" Bigkas ni Lyra.

Bahagyang kumunot ang noo ni Angelecca. Bakit humihingi ito ng sorry sa kan'ya may nagawa ba itong mali, o kasalanan?.

My Possessive Husband' Season 2.( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon