Chapter 27

1.4K 42 1
                                    


"Mama!" Sigaw ni Leo naka dapa ang batang lalaki, sa isang mahabang lamesa na gawa sa kahoy.

Hawak ng dalawang lalaki ang mag kabilang braso ni Leo, wala na itong pang itaas na damit.

"Pakiusap bitawan niyo ang anak ko, maawa kayo sa kanya bata lang siya."

Pag susumamo ni Angelecca hawak siya ngayon ng dalawang lalaki, sa mag kabilang braso niya.

Si Edward naman ay binububog muli ng apat na lalaki.

"Ngayon Angelecca, ipapakita ko sa'yo kung papaano ako tinarantado ng mga kaibigan ng asawa mo sa loob ng kulungan. Lalo na yung Styles, ginawa niya akong hayop, pinahirapan niya ako sa loob ng kulungan. Gusto ko makita mo at masaksihan mo, kung papaano nila ginawa sa'kin ang bagay na iyon. At sa anak mo mismo, ipaparanas ko ang pag hihirap na iyon.

"Siguro ay nararapat lamang iyon sa'yo, dahil asal hayop ka. Animal ka, masamang tao ka, wala kang karapatan maging malaya. Ang sama mo, ang sama-sama mo!" Sigaw ni Angelecca.

"Talagang masama ako, at ngayon ipapakita sa'yo kung gaano ako kasamang tao." Ani ni Voss. Mula sa nag babangang apoy, inahon niya roon ang dulo ng mahabang bakal.

Dahil sa sobrang init nito ay halos mag apoy ito.

Ang dulo ng bakal ay may desinyo na bilog, sa gitna nito ay may nakaukit na letrang X.

Bumuhos ang luha ni Angelecca ng itapat ni Voss ang nag babagang bakal, sa balat ng likod ni Leo.

"Huwag pakiusap ako nalang Voss, huwag ang anak ko maawa ka." Umiiyak na sambit ni Angelecca.

Ngumisi si Voss at mabilis na dinampi at diniin sa balat ni Leo ang mainit na bakal.

Namula ang buong mukha ni Leo, bumalatay sa mukha ng bata ang sakit na nararamdaman niya ngayon, ikaw ba naman ang pasuin ng isang mainit na bakal sa balat mo.

"Aray! Ang sakit po!" Impit na hinagpis ng batang lalaki habang umiiyak, na naka titig ito sa kanyang ina.

Halos manlambot ang mga tuhod ni Angelecca ng makita ang pag hihirap ni Leo.

Para siyang pinatay ng ilang beses dahil sa itsura ng anak.

"Leo! Anak ko, tama na maawa kayo, maawa ka Voss, ako nalang. Ako nalang ang pahirapan mo huwag ang anak ko." Palahaw na iyak ni Angelecca.

Masakit sa part ng isang ina makitang nag hihirap at nasasaktan ang kanyang anak. Parang dinudurog ang puso ni Angelecca ngayon, hindi manlang niya kayang protektahan ang anak niya laban kay Voss.

Mas gugustuhin nalang ni Angelecca na saktan siya pisikal, kesa makita niyang nahihirapan at nasasaktan ang kaniyang anak. Para niya itong ikamamatay, para siya tinu-torture ng paulit-ulit. Para siyang sinaksak ng punyal sa kanyang puso ng makita ang pag hihirap ni Leo. Ang anak niyang kailanman hindi niya nasaktan o napag buhatan ng kamay. Ngayon sasaktan lang ng isang baliw na katulad ni Voss.

Nanginginig ang labi ni Angelecca wala siyang magawa kundi ang umiyak nalang, habang pinag mamasdan si Leo.

Si Edward ay walang nagawa kundi ang mag mura nalamang.

"Masakit ba Angelecca? Yan ang naranasan ko sa loob ng bilangguan, sa kamay ng mga kaibigan ng asawa mo. Kulang pa nga ito, hindi pa kasali dito yung pag hihirap ng daddy ko sa loob ng kulungan. Matanda na si Daddy pero ipinakulong niyo parin siya." Litaniya ni Voss.

"Dahil may ginawa siyang labag sa batas, kaya siya nakulong. Kasalanan niyo kung bakit misarable yang buhay niyo. Kayo mismo ang sumira sa pagkato niyo. Kaya huwag niyong isisisi sa iba ang pagiging miserable ng buhay niyo, dahil kayo mismo ang nag lagay sa mga sarili niyo, kung bakit nasa ganito kayong sitwasiyon ngayon!" Matapang na sagot ni Angelecca.

My Possessive Husband' Season 2.( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon