Chapter 16

1.6K 54 0
                                    

Nasa isang restuarant ngayon si Ellieoth at Angelecca. Niyaya kasi ni Ellieoth ng dinner date ang kanyang asawa.  Gusto pa sana sumama ni Gray pero hindi pumayag si Ellieoth , pang pagulo lang kasi si Gray minsan ay makulit pa naman ito baka buwisitin lang nito si Ellieoth.

Habang nag hahantay ng order ang mag asawa ay nag paalam si Ecca kay Ellie na pupunta muna ito sa comfort room.

Nagtungo si Ecca sa comfort room, nag ayos ng kaunti at muling lumabas. Habang nag lalakad siya sa hallway ay bigla siyang natapilok sa taas ba naman ng suot niyang high heels.

Muntikan na siyang mabuwal buti nalang ay may maagap na kamay ang humawak sa kaniyang braso habang ang kaliwang kamy ng lalaki ay sa bewang ni Angelecca naka hapit.

Agad naman napatingala si Angelecca sa lalaking may hawak sa kaniya.

Gwapo at perpekto ang pangahan nitong mukha. Nakakaakit rin ang magandang uri ng mata nito na kasing dilim ng gabi.

Parang siyang nakarating sa alaska dahil sa lamig ng titig nito sa kaniya.

Walang ka-emo-emosiyon ang mga mata nito, pero kahit ganon ay hindi makakailang gwapo ang lalaki.

Nang maalala ni angelecca ang pwesto nila ng lalaki ay agad  tumuwid ng tayo si Angelecca at bahagyang lumayo sa lalaki. Baka makita sila ni Ellieoth sa ganong kalagayan.

Napaka seloso pa naman ng lalaki, ayaw na ayaw nitong may ibang lalaking dumidikit kay Angelecca.

"Sa susunod ay mag iingat ka sa pag lalakad at tumingin sa daan, at baka hindi mo namamalayan ay nahulog kana pala sa patibong."

Seryusong wika ng lalaki , pero para kay Angelecca ay maka hulugan ang sinabi ng lalaki.

"T-thanks." Turan ni Angelecca at lalagpasan na sana ang lalaki pero nag salita muli ito.

"By the way, i'm Diego Diogrcia." Pakilala ng lalaki at sabay lahad ng kamay nito sa harapan ni Angelecca.

Ilang sigundo tinitigan ni Angelecca ang kamay ng lalaki ng mapag disisyunan na tanggapin ito.

Hahawakan na sana ni Angelecca ang kamay ng lalaki para makipag kamay rito pero bigla nalang may kamay na na-unang humawak sa kamay ni Diego.

Napatitig si Angelecca kay Ellieoth , seryuso ang mukha nito habang nakikipag tagisan ng titig ka Diego.

"Kung gusto mo makilala ang asawa ko, sa akin ka muna makipag kilala.
I just want to let you know, that i will not allow anyone to touch my wife!" 

Mariing bigkas ni Ellieoth .

Hindi naitago ang pag ngisi ni Diego dahil sa sinabi ni Ellieoth. Sa isipan ni Diego ay hindi parin nag babago ang dating kababata , maangas at maramot parin ito.

"I'm sorry, hindi ko alam na possessive ka pala."  Sarkasmong wika ni Diego hindi parin maalis ang ngisi nito sa labi.

" Lets go sweetie, next time huwag kang nakiki pag-usap sa mga taong , takas sa mental hospital."  Litaniya ni Ellieoth at sabay hawak sa kamay ni Angelecca. Nag patianod na lamang si Ecca dahil hila-hila na siya nito.

Bumaling siya sa lakaki upang tingnan  ang reaction ng mukha ni Ellieoth ganon parin naki-simangot parin ito at hindi umiimik.

Siguradong mamaya ay sisirmunan siya ng lalaki o baka siya na naman ang susuyo rito. Pansin niya ay nagiging matampuhin ang lalaki, noong mga nakaraang araw at lalo pang naging seloso.

Hindi naman galit si Ellieoth kay Angelecca , ang iniisip niya ngayon ay sa tagal ng panahon ay bakit bigla nalang lumitaw na parang kabuti ang dating kaibigan.

My Possessive Husband' Season 2.( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon