PROLOGUE

93K 1.9K 1.6K
                                    

Gail

"Good evening, listeners. Nandito na naman ako, ang paborito nyong ka-kwentuhan gabi-gabi na si DJ Sassy." puno ng saya at masiglang wika ko sa microphone. "I am here once again to help you relive the melancholic days of your youth through music. Sa mga taong gustong mag-request ng kanta dyan o magpapa-love advice wag kayong mahiyang tumawag sa aming hotline. Sa mga taong brokenhearted naman, mag-moveon na po tayo dahil wala pong forever. Sa mga taken naman dyan please maging loyal naman kayo sa mga jowa nyo, pagod na kaming masaktan oh. Pero di bale, naniniwala tayo sa kasabihang; Hindi man ako para sa kanya, kawawa naman siya. Uwuuu, this is DJ Sassy and you are listening to 95.5 Lovestruck radio, wow the best dito."

Isang rock song ang aking pinapatugtog pagkatapos kong magsalita. Masaya ko itong sinabayan habang nagbabasa ng comments sa official facebook page ng Lovestuck radio. Ang iba rito ay nag-request ng kanta habang yung iba naman ay gustong mag-pa advice.

Isa akong part time radio disk jockey sa Lovestruck FM at mag-iisang taon narin ako sa trabaho kong 'to. Maliban dito, isa din akong 4th year graduating student sa kursong broadcast journalism at eto ang rason kung bakit ako nag-papart time bilang DJ. Bale training ground ko rin 'to para maging Newscaster balang araw.

Lunes hanggang miyerkules ng gabi ang shift ko at kilala ako bilang si DJ Sassy ng aking mga tagapag-kinig. Supposedly yung segment ko ay simple lang; kaunting salita sa mic tapos tuparin ang request na kanta ng mga listeners. Kaso simula 'nong nagstart ako bilang part time DJ, madaming gustong mag-papa love advice sakin. Nuong una ay parang awkward kasi wala naman akong alam tungkol sa bagay na yan. Pero dahil sa tulong ni Google ay nagawa ko rin naman.

Hidden yung identity ko bilang si DJ Sassy, ayoko kasing may makakilala sa akin. Iba din yung speaking voice ko sa personal at sa microphone kaya walang nakakaalam na ako si Abigayle Ortiz at si DJ Sassy ay iisa. Tanging mga kaibigan ko lang na sila Sue, Maggie at Yen ang nakakaalam tungkol dito.

So far, na-eenjoy ko naman ang ginagawa ko dahil bukod sa training ko 'to, okay din yung pasahod na ibinigay sakin ng radio station. Hindi man yun kasing laki tulad ng mga resident DJ's dito ay okay na rin yun para sa gastusin ko bilang scholar student sa public university na aking pinapasokan.

After matapos ang rock song ay muli akong bumalik sa ere. Inayos ko muna ang microphone bago nagsalita.

"You are listening to 95.5 Lovestruck radio, wow the best dito. Ako ay muling nagbalik ang paborito nyong chikadora, DJ Sassy. Wala ba kayong mga kamay dyan?" pinindot ko yung applause sound para kunwari may pumalakpak. "Yan ganern, oh diba ang saya." tumawa pako para kunwari nakakatawa. "Kamusta nga pala kayo mga ka-beshies? Kamusta ang weekened nyo? Kung gusto nyong mag-kwento ay libre ang ating hotline para sa inyo. Tara na't i-share na yan, go go go!"

I was drumming my fingers on the table when I saw the red light flashing on the telephone. Napangiti ako, isa lang ibig sabihin 'non, may caller na.

"Mukhang mahaba-haba yung kwentuhan natin ngayon gabi mga ka-beshies ah, magiging love adviser na naman DJ Sassy nyo oh. Wait sagutin natin ang tawag." inabot ko ang telephone cord saka yun sinagot. "Good evening, first caller of the night. Ano ang pangalan at ano ang ipaglilingkod ko sayo?"

"Hi, Dj Sassy! I'm Caroline."

"Hello, Caroline. Ang bongga naman ng pangalan mo."

Tumawa ang caller. "Salamat po. Uhm mag-rerequest sana ako ng kanta para sa boyfriend ko. Anniversary kasi namin ngayon e."

"Naks naman, nagtagal kayo? Sana all!" pinindot ko ulit yung applause sound. "Anong kanta ba gusto nyo teh? Horror or breakup song?"

Tumawa ulit ang caller. "Grabe ka naman, Dj Sassy. Ano po, Honeymoon Fades by Sabrina Carpenter yung song request ko po."

"Naks, jowa pa lang may pa honeymoon na. Oh sige, mamaya ipapatugtug ko yan ha? Stay tune."

"Thank you, Dj Sassy!" pag-end ng tawag ay may caller na naman. Agad ko yung sinagot.

"Good evening, Dj Sassy!" bati ng lalaking caller sa kabilang linya.

"Hi lods, anong ipaglilingkod ko sayo?" tanong ko.

"Hindi ako magrerequest ng kanta, pero mag-shoutout lang sana ako sa crush ko sa kabilang section ng school namin."

"Ay naku, may pa ganon. Oh sige, gawin mo na go."

Tumikhim ang lalaki. "Hi Miles! Ako 'to, si Ervin. Ako yung nag-iwan ng flowers sayo kanina sa locker mo. Ako rin yung nag-padala ng chocolates na binigay sayo ng bestfriend mo, sana nagustuhan mo yun....And lastly, I just want you to know that i love you. Yun lang po, DJ Sassy."

Napailing ako. Ang haharot.

Pag-end ulit ng tawag ay muli na namang umilaw ang telepono. Grabe, sunod-sunod ha.

"Hello, third caller of the night! Anong gusto mo? love advice, request song, shout out, ano ba?"

The lady cleared her throat. "I don't usually do this, but i have no one else to share this with." may pagka-strikta ang boses ng caller sa kabilang linya kaya medyo na-intimidate ako.

"Mukhang seryoso tayo, ma'am ah. Anong chika ba yan?"

The lady sighed. "I feel like my fiancé is cheating on me."

Shet naman oh, ayoko talaga sa mga ganitong klaseng caller. Bukod sa nakaka-pressure at nakaka sakit sa ulo bigyan ang mga ito ng advice, ayoko rin sa ganitong topic.

"Bakit madam, ano pala ginawa ng fiancé mo at naisip mong nag-cheat siya sayo?"

The lady groan like she was frustrated. "I honestly don't want to think that she's cheating on me kasi hindi naman siya ganung klaseng tao. Pero kasi lagi ko siyang nakikita kasama ang babaeng 'yon. They always hang out together, feeling ko tuloy mas madami siyang oras 'don compare sakin na fiancé niya. It's pissing me off!"

Medyo na-intriga ako, hindi dahil sa problema ni madam kundi sa kanyang fiancé. "Babae fiancé mo, madam?"

"Yes, she's a lesbian."

Interesting, ngayon lang ako naka-encounter ng ganito. "Yung babaeng laging kasama ng fiancé mo ba madam, kilala mo?" tanong ko pa.

"Yes." matigas at puno ng galit niyang sagot. "I know her. I always see her at school every weekdays."

Na-curious ako. "Teacher ka po, madam?"

"It doesn't matter, ang sakin lang mailabas ko 'tong sama ng loob ko ngayon. Can i, Dj Sassy?" her voice is so scary and it frightens me.

"Sure, m-madam. Go."

The lady took a deep breath first and began to spoke. "To my fiance's mistress. As much as possible i don't want to expose your name in public, but this time i have enough! Hindi lang isang beses, dalawang beses o tatlong beses ko kayong nakikitang magkasama ng fiancé ko. So kung nakikinig ka man ngayon, ito lang masasabi ko. Miss, Abigayle Ortiz. Layuan mo ang fiance ko!"

Nanlaki pareho ang mata ko. Putangina!?

Bago pa man ako makapag-salita, inend na ng babae ang tawag.

What the fuck, ano 'yon!? Kailan pa ako may nilanding fiance!?


••••••🌈••••••

A Taste of Bliss (ɢxɢ) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon