CHAPTER 16

64K 2K 2.2K
                                    

WARNING: SPG Slight 🔞



Pagsapit ng gabi, after ng duty ko sa trabaho, halos walang tao sa loob ng RIBC pagdating ko. May ilang mga janitors sa lobby at roving guards pero parang wala naman silang paki-alam sa akin.

Sumakay ako ng elevator saka pinindot ang twentieth floor kung saan nandoon ang opisina ni Maureen. I'm honestly nervous right now. May ideya nako kung bakit niya ako pinapunta dito, pero ayokong mag-focus sa mahalay kong ideyang 'yon. Malay ko bang pinapunta niya lang ako dito kasi kailangan niya ng tulong? After all, she payed me to work as her assistant. Perhaps that maybe the reason.

Nang marating ko na ang pinakataas na floor ay deretso kong tinungo ang office ni ma'am. Pinihit ko ang doorknob at sumilip muna para alamin kung nasa loob ba siya. I saw her sitting casually on her swivel chair while typing something on the keyboard's laptop.

I took a long control breathe bago lakas loob na pumasok. Agad siyang napatingin sa akin. Her face contoured in happiness.

"Hey." bati niya habang nakangiti.

"Off duty hours na po pero trabaho parin ang inaatupag mo." sabi ko sabay upo sa visitor's chair sa mismong harapan niya. "Alam kong workaholic ka pero sana bigyan mo naman ng limitations. Dapat sa ganitong oras tulog ka na."

Maureen chuckled. "I'll be done in an hour. I just need to finish this before 10 pm."

Tumango ako saka ilang beses na tumikhim. "Bakit mo pala ako pinapunta dito?" naks tapang!

She pointed the folders beside her. "I need your help on this. Galing 'to sa mga field news reporters kahapon na kumukuha ng documentary para sa upcoming presidential elections. Kindly sort these for me?"

O kita mo na? Sabi na nga bang trabaho ang purpose kung bakit niya ako pinapunta dito e. Mission failed. Walang magaganap na part two sa nangyari samin kaninang hapon. How sad.

"Sige po, ako na bahala." kinuha ko ang mga folders saka yun inilapag sa maliit na mesang nasa harapan ko.

Pareho kaming tahimik ni Maureen sa loob ng opisina niya. Naka-concentrate siya sa laptop niya habang ako naman ay naka-focus sa pag-sort ng mga dokyumento.

"By the way, Abi." basag niya sa katahimikan. "Nakausap ko yung isa sa mga head agents ng R.Homes nung tumawag ako kanina."

Maureen was referring to her Real Estate Company under Ricci Group. Nagsalubong pareho ang kilay ko.

"Uhm...tapos?"

"Vacant yung isa sa mga Condo units namin. Would you like to transfer there?"

Natigilan ako. "Ha?"

Nag-angat siya ng tingin at seryuso akong tinignan. "Look, I don't want to be rude. Pero hindi ko ma-sikmura yang dorm nyo. It's honestly not good. It's horrible, it's hideous, it's like one those buildings I saw on Zombie Apocalypse movies; ugly and inhuman. Ayokong manatili ka 'don. Hindi nababagay sayo."

Napanganga ako. Grabe naman 'to maka-bash sa dorm namin. Inaano ba siya 'non?

"Masyado ka pong laitera, ma'am." iling na sabi ko.

Maureen rolled her eyes. "I'm just being honest, Abi. Hindi ka naman siguro bulag para hindi malaman yun diba?"

Well...I do kinda agree with her. Luma na yung dormitory building namin at medyo panget na, pero desente parin naman yun kahit papaano. Grabe talaga 'to maka-insulto.

"Comfortable naman po ako 'don, ma'am. At isa pa, affordable lang siya at malapit lang sa university kaya okay lang sakin."

"No it's not okay, it's disgusting. I'm moving you out, pronto."

A Taste of Bliss (ɢxɢ) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon