CHAPTER 4

41.3K 1.5K 902
                                    


Kinabukasan ng hapon, pagkatapos ng trabaho ko sa RIBC, pumunta ako sa kompanya ni Vaughn.

"Good afternoon, madam." bati sa akin ng mga empleyado niya.

"Where's your boss?" pormal na tanong ko sa mga ito.

"Nasa office po." sagot ng isa.

Mabilis kong tinungo ang kinaroroonan ng elevator saka tahimik na sumakay doon. Pagdating sa twentieth floor, agad kong nilakad ang direksyon ng opisina ni Vaughn.

"Good afternoon, madam." bati sa akin ng kanyang secretary.

"Is your boss busy?" i asked.

"Hindi na po, kakatapos lang ng meeting nila."

"Thanks." pinihit ko ang sendura ng pinto saka tuloy-tuloy na pumasok sa loob. I saw my fiancé busy in front of her computer. "Vaughn."

Nag-angat siya ng tingin sa akin. "Hey, hon." she stood up and walked towards my direction.

"We need to talk." seryosong sabi ko habang matalim siyang tinignan.

"What is it this time?" she looked disquieted.

"Bakit hindi mo binanggit sa akin na pumunta ka pala ng boracay nung panahong nasa New York ako?"

Vaughn scratched her head. "Are we seriously going to talk about that right now?"

"Malamang, wala kang sinabi tungkol doon. You never updated me. Kung hindi pala ako nagstalk sa fb mo kagabi ay hindi ko yun malalaman."

"That was a year ago, Maui. Ang tagal-tagal na 'non."

"Kahit na, you should've told me. O baka naman ayaw mong ipaalam sa akin kasi magkasama kayo ng babae mo?"

"Oh god, here we go again." bumalik siya sa upuan niya at napabuntong-hininga. "Maui, hanggang ngayon ba pinagdududahan mo parin kami ni Gail?"

"You're giving me a reason to!" hindi ko na napigilang ilabas ang galit ko. "I know she works as your part time assistant, pero required ba talaga na pati sa mga bakasyon mo ay magkasama kayo?"

"Hon, isang mahalagang investor ang sadya namin sa boracay noon. Hindi kami nagbakasyon tulad ng iniisip mo."

"Ah ganon? So yung nakita ko kayong magkasama sa mall nung isang linggo, investor din ba pakay nyo duon?"

"Unexpected ang pagkikita namin ni Gail sa mall. Niyaya kitang manood ng movie ng araw na yun kaso sabi mo busy ka at hindi pweding ma-estorbo, kaya mag-isa na lang akong pumunta, tapos timing na nanduon siya, kaya siya na lang niyaya ko."

"Reasons, reasons, reasons." padabog akong umupo sa visitor's chair. "Why is it so hard for you to stay away from her? Why can't you just find another assistant? Hindi ako malalagay sa tahimik hanggat malalaman kong nagtatrabaho parin siya sayo."

Vaughn let out a heavy breath. "You're the only one who thinks that something is going on between me and her, Maui. Ilang beses ko ba dapat sabihin sayo na hindi mo dapat pagselosan si Gail? She's like a little sister to me, anak siya ng yaya ko noon."

"Do you really love me?" sa halip ay tanong ko.

"Of course i love you." mabilis niyang sagot.

"Kung ganon huwag mo akong bigyan ng rason para magselos. Lagi tayong nag-aaway dahil sa Gail na yan, laging siya ang ugat ng mga pagtatalo natin."

"Eh kung sana hindi mo lang binibigyan ng malisya ang lahat ng galaw namin, hindi ka dapat magseselos ng ganyan." rebutt niya.

"I'm your fiancé, Vaughn. I have all the rights to get jealous." seryoso ko siyang tinignan.

A Taste of Bliss (ɢxɢ) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon