CHAPTER 10

49.6K 1.7K 1.9K
                                    


When Sunday came, lulan na kami ng pribadong eroplano na pag-aari ng asawa ni Maggie. Pagdating namin sa Boracay Airport, sunod kaming sumakay sa private yatch na pagaari naman ng girlfriend ni Sue. Tanghali na kami naka-daong sa port ng white beach kung saan sinalubong kami ng mga staff at crew ng Ricci Villa Resort.

I was stunned and astonished while scanning the entire place. Grabe ang ganda at ang sosyal naman dito, halatang mahal at pang mayaman. Feeling ko tuloy nasa Santorini, Greece ako. Ganitong-ganito kasi ang hitsura ng buong resort. Mula sa desenyo ng villa hanggang sa cabin at mga cottages, it looks exactly like Santorini, Greece. Nakaka-akit at nakaka-bighani, everything screams wealth and luxury. Ramdam ko ulit ang sampal ng kahirapan.

Pagpasok namin sa main lobby, agad kaming binigyan ng keycard ng receptionist para sa uukopahan naming cottage. Magkasama kami ni Yen kaya naman excited namin yung tinungo hanggang sa marating ito.

Wow, our cottage already looked so expensive from the outside, paano pa kaya sa loob?

Dali-dali kong ini-swipe ang keycard saka binuksan ang pinto.

Whoa, the whole room was indeed beautiful. Malaki at puro mahal pa ang mga kagamitan. Gawa sa Burmese rosewood ang pader at flooring, may mini living room at flat screen na tv, may mini kitchen na kumpleto sa appliances at bathroom na puno ng mga amenities. Sa bandang kanan ay ang dalawang kama na may tig-iisang study table sa gilid. At pag-tingin naman sa bandang kaliwa ay ang maliit na veranda kung saan kita mula doon ang malawak na karagatan. Grabe, ganito pala ang pakiramdam maging mayaman noh?

Inilagay ko ang dalang bag ko sa ibabaw ng kama saka pasalampak na humiga doon. It's so cozy and soft, malayong-malayo sa higaan ko 'don sa dorm na folding bed. Naii-experience ko lang talaga 'to tuwing isasama ako ni boss Vaughn sa mga out of the town business trips nito. Hindi naman bago sakin 'tong boracay dahil dito lage ang client meeting ng amo ko. Minsan pa nga sa palawan o di kaya sa siargao.

Napatigil lang ako nang may kumatok sa pinto. Binuksan yun ni Yen at iniluwa doon ang mukha ni Sue.

"Lunch muna tayo tara." yaya nito sa amin.

Di na'ko nag patumpik-tumpik pa, bumangon ako at nauna ng lumabas ng cottage.

Tinungo naming tatlo ang restaurant na nasa loob parin ng Ricci Villa Resort. Pagdating dito, agad sumikdo ang puso ko sa kaba nang makita si Maureen nakaupo kasama sila miss Helaena at Theia.

Speaking of her, naalala ko tuloy yung pinag-usapan namin nung isang gabi. I don't know if she was serious or not, pero talaga bang gusto niyang makipagkita kay sassygalxx? There's a huge part of me that was excited, pero may isang bahagi rin sakin ang nadismaya.

Ganon kalaki ang tiwala niya kay sassygalxx at talagang binigyan niya pa ito ng impormasyon kung nasaang cottage siya naka check-in? Paano kung hindi pala ako ito at ibang tao pala? Makikipagkita pa rin ba siya? The thought of it slightly affects me. I never knew that she's willing to meet up with someone who she just met in the internet. Nakakaselos din isipin na mas interesado siya kay sassygalxx kumpara sa akin bilang si Gail.

Umupo kami sa katabing mesa na hindi inalis ang mata kay Maureen. Hays, ang ganda niya talaga. She looks like one of those gorgeous women who came out straight from fashion magazines. So classy and sophisticated. Hindi nakakasawa tignan ang alindog niya. Everything about her, even her name, is perfect in every way. Ngayon at single na siya ay malaya na'kong i-appreciate siya ng hindi nagi-guilty. Nung nalaman ko kasing siya ang fiancé ni boss Vaughn ay medyo nakaramdam ako ng ilang. It kinda felt illegal crushing over your boss's girlfriend you know.

A Taste of Bliss (ɢxɢ) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon