CHAPTER 6

41.3K 1.5K 356
                                    

A/N: Please be aware that this story is unedited, sorry sa mga wrong typos and grammars


Gail

"Ouch ikakasal na pala ate mo, magic sarap?" asar na parinig sakin ni Sue habang nasa loob kami ng school library kasama sila Yen at Maggie.

"Yeah, nakasalubong namin kanina yung fiancé niya 'nong palabas sila sa office."

"Double ouch." dramatic na wika ni Sue sabay tingin sa akin. "Kamusta naman ang lagay ng puso mo, Abigayle? Okay pa ba?"

Napakunot-noo ako. "Anong pusong pinag-sasabi mo dyan?"

"Diba crush mo yung prof nyo?"

Masama ko itong tinignan. "Imbento ka, kailan ko pa sinabi yan?"

"She said it." itinuro ni Sue ang nanahimik na si Yen.

"Wrong info ka, gaga. Yan ang may crush sa fiancé ni ma'am Maureen." asik ko.

"Talaga?" bigla itong na-intriga kay Yen. "Totoo ba yun, Yvonne?"

Hindi pinansin ni Yen si Sue, bagkos nag-concentrate lang si Yen sa pagbabasa ng libro.

"Kung ganon, Gail. Wala ka ng lusot ngayong sabado para hindi sumipot sa birthday party ko. Aasahan ko ang pagdating mo ha?" sabi ni Maggie sa ika-pitong beses.

"Oo nga magic sarap ang kulit mo, kanina ka pa paulit-ulit."

"Scam ka kasi minsan e. Who knows you might ditch me. Lalo na't naduon din si Ate Maui sa party, diba ayaw mo makita ang pagmumukha niya?"

I exhaled. "As if naman may magagawa ako? Saka, okay naman na kami."

Napa-angat ng tingin si Yen. "Nag usap na kayo?"

"Oo kanina sa loob ng kotse pagkatapos naming ihatid si boss V sa airport."

"Anong pinag-usapan nyo?" curious na tanong ni Sue, ito talaga ang number one na chismosa sa aming apat.

"Nangangamusta lang naman siya kung anong klaseng amo si boss V sakin."

"Yun lang? Hindi mo ba siya tinanong kung bakit parang galit siya sayo?"

Ngumiwi ako. "Actually natanong ko rin sa kanya yan."

"O anong sabi?" si Yen.

"Akala niya may namamagitan sa aming dalawa ni boss Vaughn."

Natahimik silang tatlo, pareho silang napakurap-kurap, kapagkuwan ay biglang tumawa si Maggie at ganon din si Sue.

"So that must be the reason why she's mad at you."

Napailing ako saka natawa na rin. "Inamin nga ni ma'am, nag-assume kasi siya na may relasyon kami ni boss V. Imagine how awkward it felt when she said that. Ni hindi ko nga ma-imagine maging jowa si boss V e. Pero nagsorry naman siya sakin kaya okay na."

Napasinghap si Yen. "Omg, hindi kaya si ma'am yung babaeng naging caller mo dati sa radyo tapos napagkamalan kang kabit?"

Mukhang narealize din yun ni Sue. "Oo nga noh? Baka si ma'am Maureen nga yun, Gail."

Pilya akong ngumisi. "It was her, kanina ko pa yun na-kumpirma habang pabalik kami dito sa school. Siya rin yung naka-chat ko 'don sa online racket ko sa Cupid's Arrow, si user iuam_star."

"How sure are you it was her?" dudang tanong ni Maggie.

"I've connected the dots, Mags. Halos pareho kasi lahat ng scenarios. Tsaka nakumpirma ko rin nuong isang gabi na iisang tao lang si iuam_star at yung babaeng nagcallout sa pangalan ko sa radyo."

A Taste of Bliss (ɢxɢ) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon