CHAPTER 24

54.3K 2.1K 3K
                                    

Gail


Kinahapunan pumunta nga kami ni Maureen sa Angel's Home Orphan. Agad kong nakilala sila Mother Viola at ang head caretaker na si Aling Rossa. Naging malapit ako sa mga ito simula 'nong panay ang pagbisita ko dito noon.

"Gail, anak." masayang bati sa'kin ni Mother Viola.

"Hello po mother." magalang akong nag-mano dito.

"Kumusta ka na? Dalagang-dalaga ka na ah."

"Ayos lang po ako. Graduating narin ako ngayon sa koliheyo, konting buwan nalang po papaso na."

"Mabuti naman kung ganon. E yung mga kaibigan mo, kumusta naman sila?"

"Same pa din, mother. Graduating na din po sila tulad ko."

Ngumiti ito at saka tinignan ang buong paligid. "Tulad parin ng dati etong Angel's Home Orphan hija, wala naman masyadong pagbabago maliban sa mga bagong dating na mga bata."

"Napansin ko nga po." pinagmasdan ko rin ang buong paligid bago dumako ang mata ko sa kinaroroonan ni Maureen. Nasa playground siya at kasulukuyang hinihintay ang pagdating ni Ellie.

"Kaano-ano mo pala si Ma'am Ricci?" tanong ni mother.

Asawa ko po, char.

"Kaibigan niya po ako, mother." nakangiting sagot ko. "Sinamahan ko siya dito ngayon kasi gusto kong makita yung anak niya."

"Naku, nakakatuwa naman. Ang liit talaga ng mundo noh? Akalain mo anak niya pala yung batang natagpuan nyo noon."

"Po?" my forehead creased in sudden confusion.

"Alam mo ba, yung batang sinagip nyo noon sa ilalim ng tulay e anak ni ma'am?"

Natigilan ako kasabay ng panlalaki ng mga mata ko. "Ho!?"

Masayang tumango si Mother. "Yung batang pinangalan mong si Guinevere ay anak ni ma'am Maureen."

My jaw dropped open in shock. Natuod ako sa kinatatayuan ko habang ilang beses na kumurap-kurap.

"T-teka, diba may nag adopt na kay Guin? Kaya nga hindi na'ko bumibisita dito kasi may kumuha na sa kanya."

Nalungkot si Mother. "Oo, pero kailan lang namin siya na-rescue mula sa foster parents niya. Mga pabaya kasi at abusado."

Di ko magawang makasagot. Tuluyan lang akong kinain ng pinaghalong gulat, mangha, saya at kung ano-ano pa.

Kung ganon....si Ellie yung nasagip namin sa tulay? Ito at si Guin ay iisa?

May kung anong emosyong namuo sa puso ko. It was filled up with unexplained happiness. Kaya pala parang pamilyar sa'kin yung picture frame sa bahay ni Maureen, it was Guin all along.

Napatingin ako sa direksyon ni Maureen na ngayon ay tuwang-tuwa nang makitang papalapit sa kinaroroonan niya si Aling Rossa at yung bata.

Guin...

I found myself walking towards their direction. Umupo ako sa tabi ni Maureen at masayang pinagmasdan si Guin.

The little kiddo looks exactly like her mom. Maganda, maputi at mestisa. I don't know if she still remembers me pero pakiramdam ko ay hindi na dahil masyado pa itong bata noon. She was only 2 years old when i met her. Wala pang muwang.

Nakaupo ngayon si Guin sa swing chair at mataman nakatingin sa direksyon namin. Kita sa mata nito ang takot na para bang may gagawin kaming masama kahit wala naman. Parang kinurot ang puso ko.

"There she is Abi." rinig kong sabi ni Maureen, nakatutok ang mata niya kay Guin/Ellie. "That's my daugther."

Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil yun. "I have something to tell you."

A Taste of Bliss (ɢxɢ) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon