Prologue

34 0 0
                                    


--

I can't believe I am about to enter my dream university. Hindi pa rin ako makapaniwala na sa dinami-rami naming nag-apply at sinubukan ang aming swerte, isa kami ni Kezhia ang natanggap.

"Aaah! Daytan ney! Nagpintas talaga!" (translation: Aaah! Ayan na! Ang ganda talaga!) hinawakan niya ng mahigpit ang aking kamay habang papasok ang sinasakyan naming shuttle sa matataas at engrandeng gate ng Salazar University.

Bata pa lamang ako, kahit malayo ang university na ito sa probinsya, ipinangako ko sa aking mga magulang na dito sa paaralan ako gagraduate ng kolehiyo.

Tinitignan ko pa lamang ang buong paaralan mula sa pinapasukan namin, bumibilis na ang tibok ng puso ko. Naghalong excitement at kaba ang nararamdaman ko at katulad ni Kezhia, gusto ko rin mapasigaw.

"Isu garod! Haan ak makauray nga umunegen." (translation: Oo nga! Hindi na ako makahintay na pumasok) Sagot ko sa kanya.

Ngayon ang schedule para sa tour ng university at next week na ang simula ng klase. Kahit excited ako, hindi ko pa rin maalis sa aking sistema ang kabahan. Ayoko lang naman na madisappoint sa akin sina mama at papa.

Pero isinantabi ko muna ang mga bagay na iyon sa aking isipan nang magsimula nang magsalita ang aming uni-tour guide gamit ang lapel. "We have now arrived at the main entrance of the Salazar University. As the shuttle stops, please be careful in going down the bus."

Ipinaalala niya sa amin ang mga rules and regulations na kailangan namin sundin katulad na lamang ng 'wag masyadong lumayo sa grupo, 'wag kung saan-saan pupunta at pwede mo na libutin ang university mag-isa mo kapag sinabi na ng uni-tour guide.

Ilan lang 'yon sa mga rules and regulations niya pero ayos lang sa akin. I can't wait to see the inside of it.

Nang makababa kami ni Kezhia ng shuttle ay agad kaming nagtatatalon sa tuwa. Hindi ako makapaniwala na ang daanang tinatapakan ko ngayon ay ang daan ng Salazar Univeristy.

"Maykan, maykan!" (translation: Tara, tara!) aya ko kay Kezhia nang marinig muli ang boses n gaming uni-tour guide.

The first building we entered was the main building where the hallway was composed of display and glass cases with trophies and medals from legendary athletes, researchers, beauty queens, and geniuses.

Doon sa hallway mo rin mismo matatagpuan ang statue ng Salazar University's Golden Lion. Ito ang animal symbol ng Salazar which means strength, justice, and courage at iyon dapat ang trait na meron ang bawat Salazarian.

They say, when you touch the Golden Lion, you might as well be lucky to inherit his traits and become powerful like him.

Diretsuhin mo iyon at matatagpuan mo ang isang indoor garden na may fountain sa gitna at pinalibutan ng mga benches. Sa main building mo rin matatagpuan ang admin office, principal's office, dean, councilor and chairman's office registrar at iba pa.

Sumunod na bumati sa amin ang student's lounge and center at namangha ako sa ganda at lawak nito! May mga beanbags na nagkalat, maraming mga upuan at mga mesa at ang nakakamangha, merong free coffee sa loob.

Sunod namin na pinuntahan ang swimming pool at ang track and field. Pagkatapos ay ang malawak nilang cafeteria kung saan ihahain ang mga masasarap na pagkain na maaaring hilingin ng isang estudyante.

Para akong nakatingin sa American style cafeteria. Ang pinagkaiba lamang, kahit pa modernized ito dulot ng mga puting mesa at upuan at mga machines, hindi pa rin nawawala ang pagka-Spanish touch ng cafeteria dahil sa mga pillars and columns sa tabi ng pintuan at mga nakasabit na vintage frames sa dingding.

Under His CircumstancesOù les histoires vivent. Découvrez maintenant