Chapter 10

6 0 0
                                    


Veronica's POV

Inayos ko ang aking sarili.

Sinuklay ko ang aking buhok. Naglagay ng kaonting lip and cheek tint. Nagbrush para naman kahit papaano, walang kumakaway na kahit na ano sa ngipin ko.

Huminga ako ng malalim bago binuksan ang aking laptop at tinawagan si Klyde. Agad naman niya itong sinagot at unang bumati sa akin ang mukha niyang haggard habang may hinahanap sa ilalim ng kanyang mesa. Magulo rin ang kanyang buhok at para bang hindi ito nakatulog ng ilang araw.

Agad na napawi ang sayang nararamdaman ko at napalitan ito ng pag-aalala.

"Love, okay ka lang?" nagaalala kong tanong sa kanya.

"Y-yes. Wait." Iyon na lamang ang nasabi nito 'saka ipinagpatuloy ang paghahanap.

Nalungkot ako roon pero inalis ko na lang muna iyon sa aking isipan 'saka muling ngumiti.

"Hi love!" masigla kong bati sa kanya.

"H-Hi love." Bati nito pabalik na hindi man lang tumitingin sa screen, hindi man lang tumitingin sa akin. Nagtaka ako kung bakit pero hinayaan ko na lamang.

Hinintay ko siya na matapos sa paghahanap niya. Nang mahanap na niya finally after 10 years ang kung ano man iyon, umayos siya ng upo 'saka na tumingin sa akin.

Kunot ang noo niyang lumapit siya sa screen. "Naka-make up ka ba?"

I smiled. Inangat ko ang aking dalawang kilay na para bang hinihintay ko siya sa kanyang sasabihin, peromas lalo lang kumunot ang noo nito. "Bakit?"

I smiled. "Happy monthsary!" masigla ko muling bati 'saka ngumiti nang pagkalapad, pero hindi ko inaasahan ang magiging reaksyon niya.

He held the bridge of his nose and cursed under his breath. Para akong nakaramdam ng kutsilyo na tumama sa aking likuran, tagos sa aking puso. Bumuntong hininga ako sa realization na kahit mahirap tanggapin ay kailangan. 

"Nakalimutan mo."

It was not even a question. It was a statement.

Tinignan niya ako na para bang kakarecover lang nito sa gulat. "H-Hindi. Hindi ko nakalimutan." Napaawang ng kaonti ang aking bibig dahil sa gulat. Kinagat ko ang ibabang parte ng aking labi sabay ang pagbagsak ng aking tingin.

Nakalimutan niya.

Sa loob ng apat na taon naming pagsasama, ngayon lang niya nakalimutan ang monthsary namin. Kahit pa noong freshmen kami, hindi naman niya nakalimutan. Siya pa nga ang unang tumawag sa aming dalawa para batiin ako.

Ngayon, umabot pa ng gabi tapos nakalimutan niya lang pala.

Sinubukan kong hindi maiyak kahit sa loob loob ko, gusto ko nang pakawalan ang mga luhang nagbabadya nang tumulo sa aking mga mata. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang sasabihin ko.

"Hinihintay kasi kita kaninang umaga para tumawag pero," napangiti ako ng malungkot. "Hindi ka naman tumawag."

"Sorry love, busy lang talaga ako. And kaninang umaga kasi, late na'ko nagising—"

"Kailan ka pa nalelate ng gising?" doon na umangat ang tingin ko sa kanya.

Kilala ko si Klyde. Siya na yata ang most punctual na nakilala ko. Kahit noong high school pa kami, siya ang pinaka-maaga. Siya ang key master ng aming classroom at kahit dates namin, siya ang nauuna.

Kaya nga mahal na mahal ko siya dahil ayaw niya na pinaghihintay ako kahit kailan.

Dahil sa pagiging punctual niya, nahawa na rin ako. Kaya nga siguro minsan, nalelate na ako ng pasok ngayong college dahil wala siya pero sinusubukan ko pa rin naman na gumising ng maaga kahit papaano. Iniisip ko na lang na magagalit siya kapag nalelate ako kahit naman hindi niya malalaman.

Under His CircumstancesWhere stories live. Discover now