Chapter 8

3 0 0
                                    


Veronica's POV

"Yes love. Sorry naging busy lang talaga ako this past few days with academics and contest. Malapit-lapit na rin kasi iyong contest namin."

I sighed. Namimiss ko na si Klyde. Gusto ko na umuwi ng probinsya at gumapang sa kama niya at yakapin siya. All I need is his hug and comfort right now 'cause I really am so tired from the schoolworks and everything.

"'Wag mo naman masyadong pagurin ang sarili mo, Nics. I know you can do it."

I smiled. This is our only way to comfort each other. Virtual comfort.

I wish it's real.

"Thanks love. Kailangan ko na rin i-end dahil pupunta pa akong library."

"Okay love. Good luck. I love you."

"I love you more."

I ended the call first and sighed.

Isang linggo.

Isang linggo na since na-stranded si Trevor sa dorm ko dahil sa bagyong hindi ko inaasahan. Isang linggo na ang nakalipas nang may takot na bumabagabag sa sistema ko. Isang linggo na nang maka-deep talks ko si Trevor.

At hanggang ngayon, hanggang ngayon hindi pa rin ako tinatantanan ng memorya na iyon. Ilang gabi na iyon ang naaalala ko pagtulog, ilang araw na iyon ang una kong naiisip at ilang lunch time at break time ang iginugugol ko sa pagi-isip kaysa sa pag-kain.

Hindi ko alam kung anong ginawa niya sa akin.

Ang alam ko lang, may isang side akong nakita sa kanya na hindi ko inaasahan na ipapakita niya sa akin dahil sino ba ako sa kanya? Hindi niya ako pinsan o kapatid, barkada o best friend.

Isa lang akong partner niya sa isang contest at alam kong ginagawa niya lang iyon dahil sa kasunduan namin na kapag tapos na ang contest, hindi na niya ako makukulit o maaasar pa.

I will be totally Trevor-free.

But is that really what I want?

"Kain na." kalmado kong paga-aya kay Trevor na kasalukuyang tinitignan ang isang Math book na nahiram ko sa library noong isang araw.

Inilapag ko sa harapan niya ang dalawang plato: may bananaque sa isa at turon sa kabila. Agad niyang isinara ang libro at inabot ang tinidor bago itinusok iyon sa bananaque.

"These smell good." He complimented which made me smile.

Malakas pa rin ang pagbagsak ng ulan at halos mararamdaman mo na rin ang lamig ng hangin sa loob ng dorm. Nagsuot ako kanina ng aking sweatshirt. Mabuti na nga lang at meron akong extra na sweatshirt na masyadong malaki para sa akin kaya iyon ang ipinahiram ko kay Trevor.

Mabuti na lang at nagkasya. Masyado kasing malaki ang katawan niya at nabili ko lang ang sweatshirt na iyon by mistake. Hindi ko na itinapon o ano dahil minsan ginagamit ko rin naman iyon.

"Anong gusto mong inumin?"

"Anything you have." He answered as he took a bite from the bananaque. "This is delicious, Nics."

"Bakit parang ngayon ka lang nakatikim ng ganyan?" I sighed. "Oo nga pala."

"I'll try to ask Chin if she can ask the cafeteria to add these to the menu."

"Chin?"

He looked at me. "Oh. Justine is a childhood friend of mine. She's the daughter of President Salazar. I got used to calling him Chin. Nickname niya kasi."

Under His CircumstancesWhere stories live. Discover now