Chapter 11

8 0 0
                                    


Veronica's POV

Kinuha ko mula sa bulsa ng aking suot na jacket ang susi ng aking dorm at akmang bubuksan ito nang marinig ang pagsara ng pintuan mula sa kabilang kwarto.

Nakita ko si Sheila, mukhang paalis siya, ngunit bago pa ito tuluyang makalayo ay nahuli niya akong nakatingin.

Nginitian niya ako 'saka tinanguan. "So," naglakad siya papalapit sa akin. "You and Trevor?"

Naalala ko na naman ang kalokohan ni Trevor noong araw na na-stranded siya sa aking dorm at si Sheila ang nakakita sa kanya na nasa loob ng kwarto ko, nakatapis ng tuwalya at basa ang katawan.

Bigla kong naramdaman ang pag-init ng aking pisngi nang maalala nga ang hubad niyang katawan. Napalunok ako dahil pakiramdam ko, natutuyuan ako ng laway. Wala naman si Trevor dito pero... ang init bigla.

Napatawa ako ng marahan.

"Pinagtitripan lang ako no'n. Sabi niya, magkakilala kayo." Tinignan ko siya. "Thank you at hindi mo kami nireport."

She shrugged. "Hindi ako sumbungera." Napasandal siya sa pader saka itinuro niya ang ibang dorm rooms. "Marami rin diyaan ang may tinatagong mga lalake. Hindi lang sila nahuhuli."

Nanlaki ang aking mga mata. "Sophomore na ako pero hindi ko man lang napansin iyon."

"Just like Trevor."

Kumunot ang aking noo. "Ha?"

She smiled. "Alis na ako." Iyon na lamang ang sinabi niya 'saka na naglakad palayo sa akin. Gusto ko pa sana siya habulin ngunit nang mapagdesisyunan kong habulin ito ay nakasakay na siya sa elevator. 

Weird. Hindi man lang niya ipinaliwanag ang tungkol sa sinabi niya at kung bakit niya nabanggit si Trevor sa usapan namin.

Napakibit balikat na lamang ako 'saka na tuluyang pumasok ng dorm. Dumiretso ako sa aking kama at ibinagsak ang sarili roon.

Pagod na pagod na pagod na ako. Biyernes na bukas at sa Sabado, meron pa kaming outreach program. Ang dami ring quizzes na nakaschedule next week, reporting at org. activities. Idamay mo na ang contest.

Sumasakit na ang ulo ko. Pakiramdam ko magkakasakit na ako. Akala ko ba habang tumatagal, dumadali. Bakit ngayon na sophomore na ako, mas dumarami ang workload ko?

Niyakap ko ang aking unan. Gusto ko na lamang matulog at mahiga sa kama ko. Gusto ko nang umuwi ng probinsya. Gusto ko muna ng sembreak. Hindi pa nga kami nageexam pero bumibigay na ang katawan ko sa pagod.

Matutulog muna ako 'saka ako magwowork. Deserve ko naman siguro magpahinga kahit ilang oras lang. Hindi ko na talaga kaya.

Trevor's POV

Sorry. The number you have dialed is out of the coverage area. Ple—

I ended up the call. For the nth time, I've been ringing Nica's phone ever since we parted ways from the library. I don't know why my palms are itching to call her. All I know is there's definitely something wrong.

Nica might hate me but she ends the call whenever I call, not letting that recorded woman speak for her. There must be something going on.

I immediately dialed Chase's number.

"Chase?"

"Yo, Trevor baby, nasaan ka na?" I can already hear the blaring music from the background. He's already at the club.

We're supposed to meet there, Craven, Justine, Chase and I. Nando'n na nga sila at ako na lang ang hinihintay pero mukhang hindi ako makakapunta.

"I can't come. I'll talk to you as soon as possible. Tell Justine my apology."

Under His CircumstancesWhere stories live. Discover now