Chapter 12

6 0 0
                                    


Veronica's POV

Sa dinami-rami pa ng estudyante ng Salazar, ako pa talaga ang pinili ng virus na ito na dapuan. Ako pa na napakaraming kailangang gawin at asikasuhin, ako pa tong nagkalagnat.

Nakaupo ako sa aking kama. Nakayuko. Nakasandal sa aking headboard habang si Trevor naman ay nakatayo sa gilid ko, nakatitig lang sa akin.

*beep

Tinanggal ko ang thermometer na nakaipit sa aking kili-kili at ibinigay sa kanya.

"37.8." tipid niyang sabi. Ipinatong niya ang thermometer sa aking bedside table bago ko narinig ang kanyang pagbuntong hininga. "You're not going to school today."

"Ha? 37.8 naman. At kaya ko na. Hindi ako pwedeng mag-absent."

"I don't think you can even walk. Pag-ihi pa nga lang, nagpapasama ka pa."

Napapikit ako. Totoo naman. Kaninang umaga, nahihilo pa ako kaya nagpasama ako sa kanya na umihi sa banyo ko kahit ilang metro lang naman ang pagitan no'n sa aking kama.

"Pero kaya ko naman na. Madadaan naman 'yan sa gamot. Kakain na rin ako para lumakas. Nakailang oras na ako ng tulog. Okay na 'yon." Inangat niya ang kanyang kilay sa akin. "Please. Hindi ko afford na mag-absent sa klase."

"Are you this stubborn? You're willing to risk your health for 2 classes?"

"Dalawang klase nga lang 'yon pero major 'yon. Nababaliw ka na ba?"

"You still have a fever, Nica."

"At katawan ko pa rin naman ito. Mas kilala ko ang katawan ko. Mas alam ko ang nararamdaman ko. Isa pa, hindi naman kita boyfriend para ikaw ang magdesisyon para sa akin."

I felt a pang of guilt when I saw his expression changed from being serious to being soft, like I just gave him a shot of reality. Napayuko na lamang ako. Hindi ko nga siya boyfriend, ni hindi ko nga siya kaibigan, pero inalagaan niya ako. Inalagaan niya ako.

INALAGAAN NYA AKO!

HINDI PA BA SAPAT 'YON NA DAHILAN PARA MAGTINO KA NAMAN, NICA?

"Look, I only want you to rest for a while. Kahit kaya ng katawan mo, hindi mo pa rin ako mapipigilan na mag-alala." He sighed. "But if you really want to go to school, fine. As long as you let me near you and take care of you. Hayaan mo ako na samahan ka sa lahat ng pupuntahan mo."

"Ano ka ba? Nahihibang ka na ba talaga? Marami na ngang tsismis na kumakalat around campus, gagatungan mo pa?"

"I don't care about it. I only care about you."

Napaiwas ako ng tingin dahil sa sinabi niya. Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko dahilan para tapikin ko ng marahan ang mga ito.

Ano ba talagang gustong iparating ng Trevor na 'to? Magkaaway dapat kami. Mortal na magkaaway. Kaninang umaga pa ako naweweirduhan sa kanya, sa totoo lang. Hindi naman dapat siya 'yong andito. Ano ba 'to?

"Alam mo, nakakainis ka na."

"Why?"

"Nakakalito ka, alam mo ba 'yon?"

"I make boys confused about their gender, yeah."

"Kapal ng mukha mo."

"Alam mo," umupo siya sa kama ko. "nilalagnat ka na nga lang, ang sungit mo pa rin." He mumbled something under his breath. Hindi ko iyon narinig kaya kumunot ang aking noo.

"Anong sabi mo?"

"Ang sabi ko, maligo ka na." he smirked. "Or gusto mo, paliguan pa kita?"

Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi niya. "Bastos!"

Under His CircumstancesWhere stories live. Discover now