Chapter 9

3 0 0
                                    


"Balita ko kahapon may rambulan sa engineering." Iyon agad ang topic namin nang makahanap kami nina Zhai at Kezhia ng vacant table dito sa cafeteria.

Kasalukuyan kaming kumakain ng lunch. Buti nga nakapagkita kami ngayon. Matagal na rin simula noong last time na nagbonding kami. Dahil busy sa projects, plates and paperworks, isinantabi muna namin ang friendship namin.

Pero ngayon, masaya ako na kasama ko sila ngayon.

Mas gumagaan ang pakiramdam kapag kasama ang barkada.

Kahit pag-usapan namin ang tungkol sa mga isyu ko kay Trevor at mga sarili nilang problema, ayos lang sa akin. Kapag sila ang kausap ko, less pressure ako sa buhay. I can be who I am when I am with them, like I can take off my mask and be transparent with my vulnerabilities dahil kahit gano'n, hindi nila ako ijujudge for being me. 

They are my friends.

"Away iyon ni Trevor at Paulo, iyong engineering student." Paliwanag ni Zhai bago inangat ang kanyang apple juice. "Buti nga nakita ko agad si Nica noong mga panahon na iyon." Dagdag pa nito.

Paulo pala ang pangalan no'n.

"Oo nga. Bakit nga pala si Nica ang hinanap mo? Bakit hindi iyong mga pinsan ni Trevor?" tumabingi ang ulo ko sa tanong ni Kezhia kay Zhai. Bakit nga ba ako ang hinanap ni Zhai? Alam niya kaya na ako lang ang makakapagpatahan kay Trevor?

Nagkibit balikat ito. "Ewan ko. Sangkot si Nica sa isyu at isa pa, napapadalas ang pagsasama nilang dalawa. Naisip ko lang na baka lumalalim ang friendship nila." Tinignan ako ni Zhai. "Tsaka instinct na rin. You can never go wrong when you're following your instincts."

Lumalalim ang friendship namin? Tss. Never in my wildest dreams. Partners kami sa contest. Hanggang doon lang iyon. Hanggang doon lang iyon hanggang makagraduate kami.

"Ano bang ganap at nagsapakan sila?"

"Sabi ni Paulo, kaya lang naman daw ikaw ang naisali sa brain collision na contest mo ay dahil jowa mo iyong dean ng engineering."

Nanlaki ang aking mga mata. "Huh?!"

"At jowa mo rin daw si Trevor kaya ikaw ang pinili niya at ito pa, nalaman ko rin na siya pala ang isa sa brain collision participant last year. Nanalo sila ng champion at inaasahan niya yata na siya ang isasabak ngayon dahil last year na ni Paulo."

Napakunot ang aking noo.

"Parang ang pangit pakinggan na jowa ko iyong dean." Natatawa kong sabi. "Isa pa, may jowa naman ako."

Bigla akong nakaramdam ng inis. Anong akala nila sa akin? Tirador ng mga dean? Ano 'to? Movie? Alam ko na mga ganitong eksena. Madalas nangyayare sa teleserye o palabas sa TV. Ang pangit pala talagang pakinggan pag totoo nang nangyare sa buhay mo.

Kung maka-akusa ang mga student na 'to, hindi ba sila nangingilabot sa mga pinaggagagawa nila? Baka sila ang may type doon sa dean kaso hindi pinapansin kaya sa akin pa nga naibaling.

"Siyempre galing kang probinsya. Usually ang mga impression nila sainyo, mga inosente. Mga pa-maria ganorn." Nakakaintrigang sabi ni Zhai.

"Ay ano ba naman 'yan? Gwapo at matatalino nga ang mga engineering pero nagkulang yata sa good manners and right conduct." Hatol ni Kezhia.

"Hoy, baka nakakalimutan mo na engineering si Klyde. 'Wag mo naman lahatin."

Napangiti siya 'saka ako hinawakan sa balikat. "Oo nga pala. Si Klyde mo na hindi nila kilala."

"Bakit? Kailangan ba nila malaman?"

Napabuntong hininga si Zhai. "Kaya ka nasasangkot sa mga ganyang isyu dahil hindi naman nila alam na may jowa ka. Ikaw ba naman, talunin mo ang mga engineering sa contest ng calculus at magkaroon ng pinakamataas na score sa math club, hindi ka maiinis?"

Under His CircumstancesWhere stories live. Discover now