Chapter 1

7 0 0
                                    


Veronica's POV

Today is freshman day! It means this day is dedicated to all the freshies of Salazar University. It means wala rin kaming klase pero kahit ganoon pa man ay kailangan namin magparticipate sa mga activities na inilaan ng mga higher years for us.

Araw nga namin ito tapos hindi kami magpaparticipate? Ano 'yon?

Freshmen Day and at the same time, Salazar UniFare. Iyon ang tawag sa event kung saan nagsitayuan ng maraming booths ang mga iba't-ibang departments, clubs, and organizations at naghanda ng iba't ibang mga pakulo bilang pang-enganyo sa mga freshmen. It is also their time to recruit new members.

Naglalakad ako ngayon patungo sa fountain na nagsisilbing center spot ng buong campus at nakapalibot din dito ang mga booths ng mga clubs and orgs. Doon kasi ang meeting place namin ni Kezhia.

Panigurado akong excited na rin iyon dahil ito talaga ang isa sa mga inaasahan namin na mga events ng uni na ito. Halos napapatitig lang kami sa mga Instagram and Facebook posts and updates nila pero ngayon, kasama na kami!

Mamayang gabi naman, after ng mga booths and stalls ng clubs and organizations ay merong Movie Marathon na magaganap sa may track oval. Excited na rin kami ni Kezhia tungkol doon dahil bukod sa movie ay magsisilbi rin iyong acquaintance party.

Habang pinagmamasdan ko ang fountain at ang pagbagsak ng tubig nito mula sa tuktok ay nailipat ang aking atensyon sa kalangitan na kulay asul.

Napangiti ako.

Hindi ako makapaniwala na parehong kalangitan lang din naman ang tinititigan ko noong nasa siyudad ako. Ang pinagkaiba nga lang, wala na ako sa siyudad. Nandito na ako sa Maynila, malayong-malayo sa lugar na kinagisnan ko.

Noong lumuwas kami ni Kezhia, siniguro ko sa sarili ko na pumunta ako rito sa Maynila upang mag-aral at hindi gumawa ng mga bagay na ikakasama ng kinabukasan ko.

Pagpasok pa lang namin ng borders ng Maynila, naramdaman ko na kaagad ang kaibahan nito kumpara sa buhay sa siyudad. Masyadong maingay dito. Masyadong abala ang mga tao sakani-kanilang buhay. Masyadong masulasok at masikip.

Pero nandito ang pangarap ko. Nandito ang eskwelahan na tutulong sa akin upang makamit ko ang mga pangarap ko, at kahit pa maingay, nakakasulasok at masikip, hindi ko naman kailangan iyong tiisin.

Dahil ito ang desisyon na pinili ko at ito ang desisyon na tatayuan ko hanggang dulo.

"Huy!" napatalon ako ng marahan nang maramdaman ang kamay ni Kezhia mula sa aking likod. Napangiti ako nang makita siya 'saka agad na nagtata-talon. "Excited na ako."

"Ako rin! Alam mo na ba kung anong club ang sasalihan mo?" sinimulan na naming maglakad at nagtingin-tingin sa mga booths, nanonood sa mga students na nakikiparticipate sa mga games.

Meron ding mga nagsitayuan na shops and stores na nagbebenta ng cute stationery, mga damit at other merch.

"Alam mo naman na dati ko pa gustong salihan iyong newscasting group nila pero tingin pa rin tayo ng iba!" masayang singhal nito habang lumulundag ang kanyang maiksi at maitim na buhok.

Si Kezhia Dela Cruz, isang Mass Communication student. Bata pa lang kami, mahilig na siyang magkunwaring isang newscaster. Magkasama na kami sa siyudad noon pa lang. Halos sabay kaming lumaki, sabay na nag-elementary, naghighschool, sabay rin kaming nagtake ng admission exam para sa university na ito at nagpasa ng papers for scholarship.

Hanggang ngayon, magkasama pa rin kami ni Kezhia at balak din namin na sabay grumaduate sa unibersidad na pinangarap namin simula noon pa lamang.

Maswerte ako dahil meron akong best friend na kahit kailan man, alam kong hindi niya ako iiwan. Kilala niya na ako mula ulo hanggang paa at alam ko na gan'on rin ako sa kanya.

Under His CircumstancesWhere stories live. Discover now