-033-

276 16 15
                                    

SECRET NATALIE


To: ashungot
here na ako sa venue, iniintay lang sina zane at tanya






hindi pa din nagre reply si ashton kaya malamang busy yun or may hang over. hindi ko alam. hinayaan ko na muna dahil kailangan ko mag focus.







tumingin ako sa salamin na dala ko dahil kahit nag grab ako papunta dito ay mainit naman tong pinag iintayan ko sa dalwa kong kaibigan.







i really wanted to pursue modelling. sa tuwing may nagtatanong sa akin ng gusto kong marating sa hinaharap, hindi ko ito kinahihiya. i have the skills and the talent over this path. originally, gusto ni mom na mag engineering ako. however, mas gusto ko ipursue ang gusto kong career. nag shift ako sa mascomm noong hindi ko na kayanin ang 1st sem ng engineering. mamamatay yata ako doon ng maaga.






tanya and zane on the other side are also both pursuing this career. si tanya originally gusto mag artista, hindi ko alam kung totoo ba or kung ano ang rason. baka nga sinasamahan lang non ako, pero may potential din kasi sya. she's such a beauty. at kung beauty ang pag-uusapan, sa aming tatlo si zane ang nangunguna. maganda sya, mukhang anghel. napaka sopistikada, at sobrang babae kung kumilos. gusto din nya mag pursue ng modelling career. matagal ko na kilala si tanya, at ngayong college ko lang nakilala si zane, feeling ko we clicked together dahil pare-parehas kami ng mga hilig.






"kanina ka pa?" tumango ako kay zane na kararating lang. "hindi naman masyado," she smiled and nodded. naupo sya sa tabi ko at kinalikot ang cellphone nya.







ganun na lang din ang ginawa ko para maalis ang kaba ko. kanina pa talaga ako kinakabahan.







"hoy!" sasapakin ko na tong si tanya eh. "late ka na naman" puna ko sa kanya.








"at least hindi nagkulang ang tulog ko! hindi pa ba daw papasok?" naupo din sya sa kabilang bahagi ko. "10 mins pa" sagot ni zane







madami ng mga models ang nandito at grabe, nahihiya na talaga ako. may experience naman ako, pero syempre gusto ko higitan ko yun at tingin ko nape pressure na talaga ako.







naghintay kami hanggang sa papasukin kami. pinapila nila kami by number na binigay at saka nag posing. pumasa ako sa unang round ganoon din ang dalwa kong kaibigan.






sa sunod na round ay rarampa naman kami, i was really nervous noong turn ko na. halos mabali nga ata ang heels ng sapatos ko. i know... i did bad. omy gosh. gusto kong maiyak pero hindi pa pwede.








in the end, pinalabas ako samantalang nagpatuloy si zane at tanya sa loob. naghintay lang ako sa kanila sa may labas kasama ang ibang natanggal din.







nasa gilid ako at walang kasama, inalis ko muna ang heels ko dahil sa sakit sa paa. "sena" i looked up and i saw him holding a bottle of water and a burger on his hand. sa kabilang kamay ay paper bag.







"jungwon" i smiled at him, bago ko binalik ang tingin sa paa ko na may sugat na dahil sa tagal ng itinayo ko kanina.







"bakit ka nandito?" nasasanay na siguro ako sa mga interactions naming ganito. however, hindi mapigilan ng puso ko na kumabog ng mabilis sa tuwing lumalapit sya or kinakausap ako.








"may dinaan lang, sakto kasi sabi ni zane ay dito daw kayo may audition" napatango ako sa sagot nya. "ayos ka lang ba?" i nodded on him.







wrong moveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon