-161-

240 14 0
                                    

SECRET NATALIE.






my plan is to continue the trial, hindi na ako uurong, and kuya bryce woke up. that makes me want to continue the trial more.





"mom wants to meet me," ilang beses na nya akong tinawagan, hindi ko alam kung sign na ba talaga iyon para kausapin sya.






"kaya.. mo ba?" kuya bryce held my hand. "yes, kuya. i can. we settled for a dinner tomorrow" kwento ko sa kanya.






ganoon lang ang naging plano ko kinabukasan, inintay ko lang mag gabi at naghanda ako para pumunta sa bahay nila. i was alone, si kuya bryce lang ang nakakaalam na pupunta ako. hindi ko na masabi kay jungwon dahil busy sya sa mga projects nya.




tinanaw ko ang bahay noong itigil ko ang sasakyan sa harap. it's still the same, naiba lang ang mga halaman sa garden sa harap pero.. wala naman nagbago. i will still look at this house like hell.. i will still never gonna treat this house as home. there is no way home inside this.




i pushed the doorbell at isang kasambahay ang sumalubong sa akin. "ma'am!" matagal na itong kasambahay, pero hindi ko sya kilala. "ang laki nyo na po!" i smiled at her. "pasok po kayo"






i entered the house quietly. "na-nandito po ba si su-suho?" kahit sinabi ni mama na wala, gusto ko pa din makasigurado.






"wala po, may condo na po iyon at doon  na po sya madalas tumuloy" i just nodded and continued walking.






hindi pa din pala naiba ang interior ng bahay. pati ang ilang gamit, maliban sa malaking frame na nasa receiving area. silang.. tatlo. si mama, si dad... at si suho. they looked happy. and they looked good together.





"ay ma'am! last year lang po nila yan kinuhanan. sabi nga po ni madam, sana nandyan ka para kumpleto kayo..." i scoffed. really? buti na lang pala at wala ako.








"secret..." i turned my head from the voice above the long stairs. there i saw my mother. she.. changed a lot. i mean, mas tumanda ang mukha. i felt like i didn't know her anymore. she's like a total stranger.






"hi" sinalubong nya ako ng yakap noong makababa sya sa hagdan. i hugged her back as well pero masyadong mabilis lang.








"tara na, kain na tayo.." we both settled on the dining area. magkaharapan kaming dalwa. inintay namin matapos maghanda ang mga kasambahay bago sumenyas si mama na kumain na kami.






"why do you want to see me?" i asked her after i chew my first bite. "anak naman.. it's been years.. how can i not request to see you?" she answered.






"oh.. inintay mo pa akong puntahan ka? you should have been come into my place when you really want to see me" i scoffed. totoo naman,






i heard she sighed. "it's because i am afraid you  don't want to see me..." napahigpit ang hawak ko sa kubyertos dahil sa sinabi nya. bakas ang lungkot sa boses ngunit hindi ko maintindihan kung bakit nya kailangang maging malungkot.






"yes, ayoko talagang makita ka, kayo, but fuck, palagi nyo akong pinipilit na makita kayo. palagi akong walang choice"






"at hindi ba baka ikaw ang ayaw akong makita? dahil disappointment ako? at hindi mo na lang dapat naging anak?" i looked at her in her eyes. she looked back, looking at me blankly. parang.. parang nakita ko sa mga mata nya na she really mean what she said to me through messages years ago.







wrong moveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon