-107-

301 12 29
                                    

SECRET NATALIE.











"mauna na ako yna, naulan pa.. wala akong payong" si yna na daw ang magsasara ng resto kaya nag-ayos na ako para umuwi.







ang dami namin customers today kaya pagod na pagod ako. itinakip ko na lang sa ulo ang bag ko para sana makapunta ako sa bus stop kahit naulan kaso may pumigil sa akin. "what are you doing?" napalingon ako kay won.








nandito pala sya, naalala ko bigla ang napag-usapan namin ni sun kanina. tinignan ko ang mata nya, malungkot ba talaga sya? nagtampo lang naman ako.. nag worry ba sya na may ginawa syang mali? baka ganoon nga lang, baka hindi naman dahil umaakto ako na kakaiba sa kanya. baka nagu guilty lang sya. kaso wala naman syang masama na ginawa kaya ako dapat ang maguilty. "why?" mas hinila nya ako palapit sa kanya para hindi ako mabasa ng ulan. umiling ako sa kanya.







"kanina ka pa ba dyan?" umiling sya bilang sagot. "hindi, alam ko naman ang oras ng out mo kaya sakto lang" he smiled. "tara na?" binuksan nya ang dala nyang payong saka nya pinulupot ang kamay sa balikat ko para magkasya kami sa payong at hindi kami mabasa. nakasakay naman kami. tahimik lang ako buong byahe.







iniisip ko kung paano ako magso-sorry sa kanya. paulit ulit ko din kinukumbinsi ang sarili ko na mali ang ginawa ko sa kanya. hindi dapat ako nagselos! wala akong karapatan!








ilang beses akong sumubok umimik pero nauuwi lang din kami sa katahimikan hanggang sa makarating na kami sa harap ng apartment ko.









"hey, are you still grumpy? isang gabi na ang lumipas, sena..." he asked habang nagtatanggal sya ng seatbelt nya. "hmmm?" nagulat ako sa tanong nya. "don't worry.." may kinuha sya sa backseat. sinundan ko iyon ng tingin, may dala syang bunny na stuff toy at inabot sa akin. "here, peace offering. sorry na, love" love.. ayan na naman yang love na yan! it makes my heart melt. ngumiti sya at inabot ang kamay ko. "i'm sorry okay? hmmm?" malambing na saad nya.








"kaschool mate ko lang iyon noong senior high. kaclose ko lang iyon dahil nakakasama ko sya sa training noon sa taekwondo, cheer leader kasi sya kaya nagkikita kami palagi sa court. kauuwi lang sya galing sa states at babalik na din ata, nasaktuhan lang na nagkita kami sa starbucks noon..." napakagat labi ako. alam ko na mali ako, pero lalo akong nag mukhang mali dahil sa page-explain nya!









"sorry w-won" nakain ako ng guilt kaya napaiyak ako. nakita ko ang pagbuka ng bibig nya dahil nagulat sa pag-iyak ko. "hi-hindi dapat ako nagtampo," nagtakip ako ng mukha ko. biglang nahiya. "wala naman akong karapatan. kasi sino nga ba naman ako? hindi naman dapat kita pigilan na magkagusto sa iba o kaya ay makipagkita dahil iyon naman dapat talaga ang tama hindi ba? iyon naman dapat talaga ang dapat mong gawin dahil... gusto mong subukan ulit na magmahal kahit takot ka na? hindi naman pwede sa akin lang dahil wala naman iyon sa usapan..." iyak ko sa kanya.






narinig ko ang pagpipigil nya ng tawa. "sena.." inalis nya ang kamay sa mukha ko. "nagtampo din naman ako sayo noong kasama mo si yuki noong isang linggo" nang tignan ko sya ay nakangisi sya sa akin habang pinupunasan ang luha sa pisngi ko.








"bakit ka naman nagtampo sa kumag na yun?" takang tanong ko sa kanya. "ewan ko.. hindi ko din alam, ayoko na nakikita kang tumatawa sa iba katulad ng pagtawa mo sa akin..." napaawang ang labi ko sa sinabi nya.









"ayokong.. nakikita ka sa iba. gusto kitang ipagdamot, sena.. tama ba iyon?" nanatili ang kamay nya sa mga pisngi ko pero nakatingin lang sya sa akin.








wrong moveWhere stories live. Discover now