-104-

303 15 7
                                    

SECRET NATALIE.






"yuki!" tawag ko sa isa kong ka department at saka ako tumakbo palapit sa kanya noong kumaway sya sa akin pabalik. " uy, sena.. pasensya ka na hindi ko sya napilit" medyo close kami ni yuki dahil classmate ko sya noong senior high.




"okay lang.. kamustahin mo na lang si zane para sa akin" tumango sya ka agad at nakita ko ang pagngisi nya. "oo, ikaw pa" umakbay sya sa akin at sabay kaming naglakad palabas ng building namin.




classmate na nya si zane simula noong lumipat si zane ng section, kaya sa kanya ako humihingi ng pabor tungkol kay zane. "may kasabay ka bang umuwi?" tanong nya, nakaakbay pa din sa akin. sanay naman na ako sa kanya, nakasama ko sya kasi sa isang club dati at doon kami naging close.





"nauna na si tanya, kaya wala naman" sagot ko sa kanya. "ano bang nangya-"  natulak ko ang tyan ni yuki noong makita ko si jungwon sa labas ng building na masamang nakatingin sa akin at nakasandal pa sa pader habang hawak ang bag nya sa balikat.





"aray naman sena!" reklamo ni yuki at humawak sa balikat ko dahil muntik na sya matumba. "mauna na ako yuki, may ka-kasabay pala ako" umiwas ako ng tingin kay jungwon at tumalikod sa kanya para makausap si yuki. "pakitanong at pakisabi na lang kay zane ah" he nodded





"may bayad ba to?" he giggled, ano ba to! "oo na, babyaran na.. buraot ka pa din talaga hanep" napairap ako. "isang kiss lang dito eh" yumuko sya at tinuro ang pisngi nya saka nilapit ang mukha. hindi na ako nagulat sa ginawa nya. sanay na ako, ganito lang talaga sya mang-asar.. alam kong di din sya seryoso kasi.. iba ang gusto nya at kilalang-kilala ko iyon!





"siraul-" impit akong napasigaw noong may humila sa bag ko kaya ramdam ko ang pagtama ng likod ko sa kanya. "may gagawin ka pa ba... love?" nanlaki ang mata ko kay yang jungwon.. love... ang bilis ng tibok ng puso ko ah. may racing ata.





"ah.. wala na, tapos na. uuwi na din ako, mauna na kami yuki! salamat" ngumisi si yuki ng nakakaloko atsaka ginulo ang buhok ko. muli akong hinila ni jungwon palayo sa kanya kaya napakunot ang noo ko. "yung request ko..." mukhang nang-aasar sya! "oo na, bye" ako na ang humila kay jungwon palayo. ewan ko ba kung bakit kinakabahan ako, ang seryoso kasi ng aura nya ngayon.




"susunduin mo pala ako? or napadaan ka lang? dapat nagtext ka" saad ko sa kanya kasi kanina pa sya na tahimik habang naglalakad kami papunta sa carpark.





"who's that?" mahinang tanong nya, seryoso. "ah, si yuki? kaibigan ko sya simula senior high. kaklase sya ni zane kaya pinakiusapan ko sya na sabihin kay zane na gusto ko sya makausap dahil hindi naman nasagot si zane sa lahat ng messages at kahit sulat ko!" nakangusong saad ko. napalingon sya sa akin pero mabilis lang din na umiwas.





"ganoon kayo kaclose? yung inaakbayan ka? yung hihingi ng kiss sayo?" napakunot ang noo ko. "huh?"





"wala... curious lang, at yung kay zane.. kung gusto mo na talaga syang makausap, ako na ang bahala.. huwag ka na lumapit sa yuki na yun" ano bang pinuputok ng butchi nito? "okay ka lang ba? may problema ka ba? bakit wala ka ata sa mood?" sumakay na ako sa shot gun seat ng sasakyan nya.





"wala naman" maiksing sagot nya. "you have shift right?" tumango ako sa kanya. "gutom na ako..." bulong ko noong magsimula na syang mag drive.





i asked him how was his day at sumasagot naman sya, mukhang normal naman pala sya, tahimik nga lang. nagtaka ako noong tumigil kami sa mcdo para mag drive thru. "what do you want?" napanguso ako sa kanya. "diet naman ako won ang daya mo" parang bata na saad ko at nakita ko ang pagngisi nya. "minsan lang naman" strict sobra ang diet ko kaya hinfi naman nga siguro masama na magkaroon ng cheat day.




wrong moveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon