Makalipas ang isa't kalahating oras ay natapos din kami kaagad.
"Haay! Salamat at natapos na din sa wakas." Sabi ni Sunki.
"Gutom na ako." Sabi ni Gwyn.
"Let's have lunch inside guys." Anyaya ni Jake.
"Lunch na daw. Pasok na tayo." Sabi ko.
Agad kaming pumunta sa dining area. Naabutan namin si nanay Leah na naglagay ng pagkain sa mesa.
"May Leah!" Sigaw ni Luna at niyakap si nanay. Close talaga sila.
"Luna, inaanak ko." Ngiting sabi ni nanay.
"Nay Leah, come and join us." Anyaya ni Jake.
"Ayy naku sir Jake. Sa kusina lang kami ni Maria at Ayana."
"Sige po."
"Sige maiwan ko muna kayo. Enjoy sa pagkain." Sabi ni nanay bago umalis.
Tahimik kaming kumain. Si Jake nakaupo sa inuupuan ng papa niya madalas. Nasa kaliwa niya sina Sunki, Gwyn at Iris. Sa kanan naman ay ako at si Luna.
Nang matapos na kami sa pagkain ay nakatanggap naman ang ibang kasamahan namin ng text sa parents nila na sila ay pinapauwi na.
"Ihahatid ko na kayo." Sabi ni Jake.
"Wag na ako. Nasa kabilang kanto lang bahay ko. Salamat sa lunch. Bye." Sabi ni Luna.
"Hoon, samahan mo ako para may kasama ako pag-uwi." Sabi ni Jake. Tumango ako.
Nasa likuran sina Sunki, Gwyn at Iris. Katabi ko naman si Jake. Mabilis lang ang paghatid. Naunang bumaba si Iris. Sumunod si Sunki. Panghuli si Gwyn.
"Haay! Ang init." Sabi ni Jake.
"Gusto mo ng ice cream?" Tanong ko.
"Sige ba."
Agad kaming pumunta ng 7-Eleven. Doon nag order kami ng tig isang ice cream.
"Akin na to. Pasasalamat sa pagtulong mo sa project namin." Sabi ko.
"It was nothing. I did it voluntarily so no need." Sabi niya.
"Sige na. Hayaan mong treat nalang to." Sabi ko.
"Okay. Treat." Bigla niyang pinahiran ang mukha ko ng ice cream at tumawa siya ng malakas.
"Anak ng kalabaw Jake!" Napasigaw ako.
Napatakip din ako agad ng bibig nang may napatingin sa amin. Si Jake naman patuloy na tumatawa.
"Happy na? Happy?"
YOU ARE READING
𝐍𝐨𝐭 𝐅❦︎𝐫 𝐒𝐚𝐥𝐞 || JakeHoon AU
Short StoryJake and Hoon were childhood bestfriends. But they grew apart when the former's family decided to migrate to Australia. 15 years later, they reconnected. At first, they became enemies, then friends until they became love birds. They were happy. The...