𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 53: 𝑴𝒂𝒌𝒆 𝑻𝒉𝒆𝒎 𝑷𝒂𝒚

30 2 0
                                    

"Hoon, mauuna na kami ah. Tumakas lang kami. Buti nalang na-hire ni mommy si Oceana." Sabi ni Hanna. Kumaway si Oceana. Ngumiti ako.

Lumapit si Hanna at niyakap ako.

"Sensya na di namin maihahatid sa huling hantungan si nanay Leah. Yun din kasi ang araw ng engagement party. Ayos lang sakin na ipakulong mo si mommy. She needs to learn. Handa na rin ang mga kakailanganin niyo ni Jake after that." Hanna smiled.

"Sorry talaga. I just need to make them pay Hanna." Malungkot ang boses ko.

"It's okay. Baka ito rin ang way para magkaroon ako ng freedom. Freedom to choose who I love." Hinawakan niya ang kamay ni Oceana at nagkatinginan sila.

"Salamat sa pang unawa." I smiled.

"Hoon Hoon ko, maghihintay ako." Jake held my hand. I just smiled.

The day came when my mother's coffin was lowered six feet beneath the ground.

𝑵𝒂𝒚, 𝒌𝒖𝒏𝒈 𝒏𝒂𝒔𝒂𝒂𝒏 𝒌𝒂 𝒎𝒂𝒏 𝒔𝒂𝒏𝒂 𝒈𝒂𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏 𝒏𝒊𝒚𝒐 𝒂𝒌𝒐. 𝑲𝒂𝒎𝒊 𝒏𝒊 𝑱𝒂𝒌𝒆 𝒔𝒂 𝒑𝒍𝒂𝒏𝒐 𝒏𝒂𝒎𝒊𝒏. 𝑨𝒍𝒂𝒎 𝒌𝒐𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒈𝒊𝒈𝒊𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒔𝒂𝒚𝒂 𝒌𝒂 𝒔𝒂 𝒅𝒆𝒔𝒊𝒔𝒚𝒐𝒏 𝒌𝒐. 𝑷𝒆𝒓𝒐 𝒃𝒂𝒈𝒐 𝒎𝒖𝒏𝒂 𝒊𝒚𝒐𝒏, 𝑰'𝒍𝒍 𝒎𝒂𝒌𝒆 𝒕𝒉𝒆𝒎 𝒑𝒂𝒚 𝒎𝒖𝒏𝒂. 𝑲𝒂𝒊𝒍𝒂𝒏𝒈𝒂𝒏 𝒑𝒐 𝒏𝒈 𝒉𝒖𝒔𝒕𝒊𝒔𝒚𝒂 𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒈𝒌𝒂𝒘𝒂𝒍𝒂 𝒏𝒊𝒚𝒐. 𝑴𝒂𝒉𝒂𝒍 𝒌𝒐 𝒌𝒂𝒚𝒐.

I threw the white rose as my tears flowed silently.

Hinarap ko ang mga kaibigan ko. Wala silang alam sa mangyayari. I hugged them one by one.

"Ingat kayo palagi. Mahal ko kayo." Ngumiti ako.

Napakunot ang noo nila noong una pero ngumiti din. I just smiled.

Kinagabihan, dumiretso na ako sa engagement party.

"Please welcome the newly-engaged couple--" Si ma'am Matty.

"Sino dito si Ceres Villareal?" Sigaw ng pulis na kasama ko. Itinuro ko ang ina ni Hanna. Lahat nagulat at nanlaki ang mata.

"Ceres Villareal, inaaresto ka namin sa salang pagpatay kay Leah Inigo-Park." Nagbulong-bulungan ang mga tao.

𝐍𝐨𝐭 𝐅❦︎𝐫 𝐒𝐚𝐥𝐞 || JakeHoon AUWhere stories live. Discover now