𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 39: 𝑵𝒆𝒘 𝒀𝒆𝒂𝒓 𝑬𝒔𝒄𝒂𝒑𝒆

30 2 0
                                    

Simula nung dumating si ma'am Ceres ay lagi na ding wala si Jake. Isinasama sila ni Hanna sa lakad nito at ni tita Matty. Nasa garden ako nang nag beep ang cellphone ko. Binuksan ko ito at nakuha ko ang text mula kay Hanna.

𝐻𝑜𝑜𝑛, 𝑛𝑎𝑘𝑎𝑘𝑎𝑏𝑎𝑔𝑜𝑡 𝑑𝑖𝑡𝑜. 𝑆𝑖 𝐽𝑎𝑘𝑒 ℎ𝑎𝑙𝑎𝑡𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑛𝑔 𝑙𝑢𝑛𝑔𝑘𝑜𝑡. 𝐺𝑎𝑛𝑢𝑛 𝑑𝑖𝑛 𝑎𝑘𝑜 𝑘𝑎𝑠𝑜 𝑛𝑜 𝑐ℎ𝑜𝑖𝑐𝑒 𝑙𝑎𝑔𝑖. 𝑆𝑖𝑙𝑎 𝑚𝑜𝑚𝑚𝑦 𝑎𝑡 𝑡𝑖𝑡𝑎 𝑀𝑎𝑡𝑡𝑦 𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑔-𝑒𝑒𝑛𝑗𝑜𝑦 𝑑𝑖𝑡𝑜. 𝐾𝑎𝑖𝑛𝑖𝑠. 𝑁𝑎𝑏𝑢𝑏𝑢𝑤𝑖𝑠𝑖𝑡 𝑎𝑘𝑜.

Agad akong nagtipa ng irereply.

𝐵𝑎𝑘𝑎 𝑚𝑎ℎ𝑎ℎ𝑎𝑙𝑎𝑡𝑎 𝑘𝑎𝑦𝑜 𝑎ℎ. 𝐼𝑛𝑔𝑎𝑡 𝑘𝑎𝑦𝑜 𝑑𝑖𝑦𝑎𝑛. 𝑃𝑖𝑙𝑖𝑡𝑖𝑛 𝑚𝑜 𝑛𝑎 𝑚𝑎𝑔-𝑒𝑛𝑗𝑜𝑦 𝑠𝑖 𝐽𝑎𝑘𝑒. 𝑃𝑎𝑘𝑖𝑠𝑎𝑏𝑖 𝑛𝑎𝑚𝑖𝑚𝑖𝑠𝑠 𝑘𝑜 𝑠𝑖𝑦𝑎.

Tatlong minuto ang nakalipas, nag-reply si Hanna.

𝑁𝑎𝑚𝑖𝑚𝑖𝑠𝑠 𝑘𝑎 𝑑𝑖𝑛 𝑑𝑎𝑤 𝑛𝑖𝑦𝑎. 𝑌𝑎𝑎𝑛 𝑚𝑜. 𝐵𝑎𝑙𝑖𝑘 𝑘𝑎𝑚𝑖 𝑑𝑖𝑦𝑎𝑛 𝑚𝑔𝑎 𝐷𝑒𝑐𝑒𝑚𝑏𝑒𝑟 30. 𝐼'𝑙𝑙 𝑝𝑙𝑎𝑛 𝑎 𝑛𝑒𝑤 𝑦𝑒𝑎𝑟 𝑒𝑠𝑐𝑎𝑝𝑒 𝑓𝑜𝑟 𝑡ℎ𝑒 𝑏𝑜𝑡ℎ 𝑜𝑓 𝑦𝑜𝑢. 𝐴𝑘𝑜 𝑛𝑎 𝑏𝑎ℎ𝑎𝑙𝑎. 𝑆𝑖𝑔𝑒 𝑤𝑎𝑔 𝑘𝑎 𝑛𝑎 𝑚𝑎𝑔 𝑟𝑒𝑝𝑙𝑦. 𝐻𝑖𝑛𝑎ℎ𝑎𝑛𝑎𝑝 𝑛𝑎 𝑘𝑎𝑚𝑖. 𝐵𝑦𝑒 𝑖𝑛𝑔𝑎𝑡 𝑘𝑎 𝐻𝑜𝑜𝑛.

Di ko maiwasang ngumiti pa din sa chat ni Hanna. I knew she's a good person back then. Mas napatunayan pa lalo ngayon.

Nang dumating ang December 30 ay inabangan ko sila sa garden. Kumaway si Hanna sa akin habang si Jake ay nakasimangot pa rin. Iwinagayway ni Hanna ang cellphone niya at sinenyasan ako na buksan din ang phone ko. May message.

𝑀𝑎𝑔ℎ𝑎𝑛𝑑𝑎 𝑘𝑎 𝑛𝑎 𝑛𝑔 𝑏𝑎𝑔. 𝑇𝑎𝑡𝑎𝑘𝑎𝑠 𝑡𝑎𝑦𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑡𝑙𝑜 𝑝𝑎𝑔𝑘𝑎𝑡𝑎𝑝𝑜𝑠 𝑛𝑔 𝑚𝑒𝑑𝑖𝑎 𝑛𝑜𝑐ℎ𝑒 𝑏𝑢𝑘𝑎𝑠. 𝐴𝑘𝑜 𝑏𝑎ℎ𝑎𝑙𝑎. 𝐵𝑎𝑠𝑡𝑎 𝑚𝑎𝑔ℎ𝑎𝑛𝑑𝑎 𝑘𝑎 𝑛𝑎.

Napangiti ako. Kumindat si Hanna sa akin.

Nang matapos ang media noche at sumigaw kaming lahat ng "Happy New Year" ay agad akong tumungo sa kuwarto.

"Aalis ka?" Tanong ni nanay.

"Opo. Kasama ko sina Hanna at Jake." Sabi ko

𝐍𝐨𝐭 𝐅❦︎𝐫 𝐒𝐚𝐥𝐞 || JakeHoon AUWhere stories live. Discover now