𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 38: 𝑪𝒆𝒓𝒆𝒔

26 2 0
                                    

Nag-enjoy kami sa outing. Ligo, kain at laro ang ginawa namin the whole day.

"Sana maulit muli ito. Pero busy na tayo sa finals eh." Napabuntong hininga si Luna.

"Edi after ng finals." Tumawa si Gwyn.

"Sana ganito palagi." Sabi ni Sunki.

"Oh my gosh. Jake, Hoon, tita Matty texted. She said we need to go home now." Nataranta si Hanna.

"Ingat kayo." Sabi ni Sophia Marie.

"Next time ulit." Sabi ni Jem.

"Sa uulitin." Tumawa si Frenjie.

"Sige next time." Sabi ko at agad na kaming nagtungo sa sasakyan ni Jake.

"Hanna, ikaw na sa passenger's seat." Sabi ko.

"Yeah. Tita Matty's eyes are like those of eagle. Nakakatakot." Sabi ni Hanna.

Agad na kaming umalis sa lugar na iyon. Nang makarating na kami ay nagtaka ako ba't may ibang kotse.

"Car? May bisita? Come on. Tapos na ang acting rest ko?" Napakamot sa ulo si Hanna.

"Isn't that car your mom's?" Tanong ni Jake. Napatakip sa bibig si Hanna.

"Shet. Mommy's here." Napakagat labi si Hanna.

"Mommy mo?" Lito pa rin ako.

"Hanna." Nakita namin na lumabas ang isang babaeng naka floral dress.

"Mommy." Nakipagbeso si Hanna sa mommy niya.

"Hi tita Ceres." Nakipagbeso din si Jake.

"You still look fine hijo." Papuri ni ma'am Ceres kay Jake.

"Hello po." Kumaway ako.

"Hi young lad." Tipid na ngiti lang ang itinugon ng mommy ni Hanna.

"Mabuti naman at dumating na kayo." Lumabas si tita Matty na naka champagne dress.

"Hoon, sumama ka pala sa kanila. Yan tuloy yung mama mo ang naglabas ng bagahe ni Ceres. Ayun nasa kuwarto niyo na." Natawa si ma'am Matty.

"Excuse lang Ho." Agad akong umalis para daluhan si nanay Leah.

"Nay." Naabutan ko siya na nakahiga.

"Oh dumating na pala kayo." Akmang babangon sana si nanay pero pinigilan ko.

"Nay. Ba't mo naman ginawa yun? Asan ba yung ibang kasambahay?" Nanginginig ang boses ko.

"Pinag day off ni ma'am Matty si Inday tas yung iba andun sa palengke kasi dumating si Ma'am Ceres."

𝐍𝐨𝐭 𝐅❦︎𝐫 𝐒𝐚𝐥𝐞 || JakeHoon AUWhere stories live. Discover now