𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 44: 𝑪𝒐𝒏𝒇𝒓𝒐𝒏𝒕𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏

24 2 0
                                    

"Bakit mo inilihim sa akin?" I saw Jake's tears starting to form.

"Kasi nangako sa akin si tita Matty na siya mismo magsasabi. Akala ko nga nasabi na niya sayo kaya lang di pa pala. Ansama niya." Humikbi si Hanna.

"All this time, I thought na siya ang inoperahan. Yun pala si dad. Gosh I'm so stupid." Napasuntok sa manibela si Jake.

"Kaya sumama si tito sayo dito kasi gusto niya makasama ka kahit saglit lang bago siya operahan." Napaiyak na si Hanna.

"Jake. Hanna. Tahan na. Mas okay kung kokomprontahin niyo si ma'am Matty." I tapped their shoulders.

"Yeah. I should do that." Nag-seatbelt na si Jake kaya gumaya na kami dahil oras na para malaman mula kay ma'am Matty ang totoo.

After 5 long hours of driving, nakarating na kami sa mansion. Madaling araw na pasado alas tres. Agad bumaba si Jake. Nagkatinginan kami ni Hanna.

"Why didn't you tell me about dad?" Naabutan namin si ma'am Matty na umiinom ng wine kasama si ma'am Ceres. Nauna lang sila ng ilang minuto samin.

"I made a promise to your father. I won't tell you anything about his condition hanggang di mo tinutupad ang tungkulin mo na pakasalan si Hanna." She smirked.

"Why would I tie myself to an arranged marriage?!" Napabulyaw si Jake.

"It's because you needed to. Para sa ikabubuti ng kompanya. And why are you having a relationship with this stupid gardener?" Tinuro ako ni ma'am Matty.

"Grabe naman po kayo magsalita." Sabi ko.

"Jake, break up with him. Gusto mo ba lumala ang sakit ng daddy mo? At ikaw namang hampaslupa ka, ba't mo pinasok ang bagay na ito? Alam mo ang mangyayari sa inyong mag-ina kaya kung ayaw niyo mapalayas, maghiwalay kayo ni Jake." Nanlilisik ang mata ni ma'am Matty.

"Daddy would understand about Hoon and me." Tanging nasabi ni Jake.

"Talaga? We'll see, Jake. Leah, bilis!" Nakita ko si nanay na may dalang bag.

"Lumayas na kayo ng anak mo dito." Tumango si nanay.

𝐍𝐨𝐭 𝐅❦︎𝐫 𝐒𝐚𝐥𝐞 || JakeHoon AUWhere stories live. Discover now