𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 17: 𝑻𝒖𝒈 𝑶𝒇 𝑾𝒂𝒓

36 3 0
                                    

"Sige Jake. Luna, kay Jake na ako sasabay." Paalam ko kay Luna. Agad siyang tumango.

Mabilis lang kaming nakarating sa bahay. Chineck namin ang storage room nila at nagbabakasakaling makakita ng gamit na kinakailangan namin sa team building.

Kinabukasan ay nagpunta kaming sampu sa mga shops. Agad naming binili lahat ng kakailanganin. Mabilis kaming nakabili lahat kasi hinati namin ang grupo namin para matapos agad.

Dumating ang araw ng Biyernes. Nasa harapan na namin si Madame Seinna.

"Ilagay niyo muna ang mga bags niyo sa gilid. We will play a game within your group. This game is tug of war. Divide into five kayo. Tapos maghihilaan kayo sa lubid hanggang sa mahatak niyo ang kalaban niyo sa side niyo. Ang mananalo, siyang magluluto. Ang matatalo, gagawa sa group tent. Understood?" Sabi ni Madame Seinna.

"Yes ma'am!" Sigaw ng lahat.

"Team tayo Hoon." Sabi ni Luna.

"Oh I wanna join." Sabi ni Sakura.

"Sakura, bawal ka kasi mahina puso mo." Sabi ni Iris.

"Asus. Hilahan lang naman to. Jake, sali ako." Sabi niya.

Ako, si Gwyn, si Sunki, si Frenjie at si Luna ang magkasama. Si Jake, si Jyv, si Jem, si Iris at si Sakura naman sa kabilang team. Si Sophia Marie ang nagsilbing mediator namin.

"1,2,3." Sigaw ni Sophia Marie saka nag whistle.

At nagsimula na nga kami sa paghila. Ang lakas ni Jake. Halatang nag-work out talaga. Pero kakayanin ito hihi.

"Ew! A fly." Sabi ni Sakura kaya na distract sila at nahila namin sila sa side namin.

"Panalo ang team Hoon!" Sigaw ni Sophia Marie.

"So ang team Jake pala ang gagawa sa tent? Hoon, samahan mo na si Jake. Siya lang nag iisang lalaki. Hayaan mo na ang limang girls sa pagluluto." Sabi ni Madame Seinna. Tumango agad ako.

"Anlakas ko noh?" Pang-aasar ko kay Jake.

"I just got distracted with Sakura. Mas malakas pa rin ako sa'yo." Sabi niya sabay flex ng muscle niya.

"Talo ka pa rin HAHAHA." Pang-aasar ko.

"Fine."

𝐍𝐨𝐭 𝐅❦︎𝐫 𝐒𝐚𝐥𝐞 || JakeHoon AUWhere stories live. Discover now