𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 27: 𝑵𝒂𝒏𝒂𝒚 𝑳𝒆𝒂𝒉

28 2 0
                                    

"Sshh. Di ito matatapos. Alam ko na malakas ka. Di ibig sabihin na umiiyak ka ngayon ay mahina ka Jake." Sabi ko sa gitna ng pagluha habang sinusuklay ang buhok ni Jake.

"Natatakot ako HoonHoon ko. Natatakot ako." Niyakap ako ng mahigpit ni Jake.

"Sshh. Kaya natin ito okay?" I cupped his face at pinunasan ko ang luha niyang patuloy na dumadaloy sa pisngi niya. His eyes were totally red.

"Magpakatatag tayo okay?" I kissed his forehead. And then he rested on my chest for around three minutes I think.

Pagkatapos nun ay nakita ko si Luna na hinihingal. She looked weary. I smiled at her while I was still hugging Jake. She smiled back and gave me a signal that lunchtime is over. I tapped Jake's shoulder.

"Let's go. Lunchtime is over."

"Ayoko. Dito lang ako. Dito lang tayo." Sabi ni Jake na parang bata. Di pa rin siya bumibitaw sa pagyakap sa akin.

"Jake, baka mapagalitan tayo. At saka bawal PDA diba? Sa bahay nalang tayo magharutan." Saad ko sabay tawa ng malakas. He just grinned.

"Alright." Inakbayan niya ako at bumaba na kami. Bumitaw din siya nang malapit kami sa admin's office. Pumunta na siya sa building nila at ganoon din ako papunta sa building ko.

Kinahapunan, sabay kami umuwi. Pagpasok namin sa gate ay namataan namin si Nanay Leah na nakapamewang. Di ko mabasa ng tuwiran ang ekspresyon niya. Galit ba siya o nag-aalala? Di ko mawari.

"Nabalitaan ko ang nangyari kay Luna." Sabi ni nanay Leah sa amin habang nakatingin sa magkahawak naming kamay ni Jake. Nagkatinginan kami ni Jake. I can see he's nervous. Ganoon din ako.

"Come here." Sabi ni nanay Leah at niyakap kami. Nagulat kami pareho ni Jake.

"Maraming hahadlang sa ganyang pagmamahalan. Pero kung nagpapakatatag kayo, malalagpasan niyo ang pagsubok na iyan at magiging masaya kayo habang buhay." Hinawakan ni nanay Leah ang mga pisngi namin.

"Di ako tutol. Suportado ko kayo. Di biro ang magmahal."

𝐍𝐨𝐭 𝐅❦︎𝐫 𝐒𝐚𝐥𝐞 || JakeHoon AUWhere stories live. Discover now