Chapter 36

6.4K 388 79
                                    

The Wolf King and I
Chapter 36

"Qingyuan, halika dito at baka may makakita pa sa iyo." Wika ko habang hinihila ang kamay niya para magtago.

Kasalukuyan kaming nasa labas ng palasyo habang pasikreto na sinusundan ang naglalakad na si Zhang Wei.

Only the empire's nobles and high-ranking officials have seen his face, allowing him to walk in public without being recognized as the Emperor.

At nagtataka siguro kayo kung ano ang ginagawa ni Qingyuan dito. Dahil isa siyang secret guard ng Emperor ay nahuli niya akong pa-sikretong nakamanman dito. Wala na akong ibang nagawa kundi ang hilain siya sa planong ito para hindi niya ako maisumbong.

Inutusan ko din kanina si Mei na ipaalam kay Jia na magkita kami sa isang sikat na flower shop sa market. She did not know that she would get to meet the Emperor instead of me.

"Your highness." Qingyuan called me.

Kasalukuyan kaming nagtatago sa isang maliit na bahay habang hawak ko parin ang kamay niya. Mahirap na, baka makatakas pa siya at isumbong niya ako kay Zhang Wei.

"May I know the reason why you're secretly following his majesty?" He asked.

Nilingon ko naman siya at inidikit ang aking hintuturo sa aking bibig, na ang ibig sabihin ay tumahimik siya.

"Huwag ka ngang maingay. Manood ka nalang." I shushed him.

Napatingin naman siya sa mga kamay namin na magkahawak parin. Pero tinignan ko lang siya ng nanghahamon na tingin.

"Oh, ano?" atsaka ko siya pinamulatan ng mga mata. "Huwag ka ng magpumiglas. Hindi ka na makakatakas ngayon para magsumbong sa Emperor. You're an accomplice now, whether you like it or you like it."

Pero hindi ko inaasahan ang naging reaksyon niya.

Ngumiti lang siya ng napakatamis at laking gulat ko nang bigla niyang itinaas ang kamay ko at hinalikan ito.

"This is the first time I've held your hand like this and I'm not planning to let go." He spoke. "My life is in your hands, your highness."

Huh?

Ano bang pinagsasabi ng kumag na ito?

Whatever.

Hinawakan ko nalang ng mahigpit ang kamay niya. Mahirap na at baka makatakas pa siya para magsumbong. Siya pa ang magiging dahilan ng pagkakasira ng plano ko.

Maya-maya pa ay nakita kong nagkita na sina Zhang Wei at Jia sa flower shop na sinabi ko sa kanilang dalawa.

Kitang-kita ko ang gulat na namutawi sa kanilang mga mata nang magkita sila.

Parang gusto kong tumawa ng evil laugh.

My plan has succeeded!

"So, this is your plan, your highness." Qingyuan spoke beside me. "I'm afraid that His Majesty will get mad at this set-up."

He was right.

Nakita ko nalang ang pagsasalubong ng kilay ni Zhang Wei habang kinakausap siya ni Jia. Mukhang na-realize na nilang pareho na ini-set up ko silang dalawa.

Tahimik nalang ako napa-protesta nang makitang tumalikod na siya para iwan si Jia. Mabuti nalang at hinila kaagad ni Jia ang robe niya at mukhang kinakausap siya nito na manatili muna.

Huh?

What is this feeling?

Nahawakan ko nalang ang dibdib ko ng dahil sa kakaibang emosyon na bigla kong naramdaman.

The Wolf King and IWhere stories live. Discover now