CHAPTER 3

39.4K 1.6K 2K
                                    

A/N: Please be aware that this story is unedited, sorry sa mga wrong typos and grammars



Maureen



"Are you seriously not gonna say anything?" inip na tanong ko kay sassgalxx sa kabilang linya. "Sabi mo itatype mo lang mga sasabihin mo, asan na?"

sassygalxx is typing.....

sassygalxx
pasarado na kasi ang internet shop e, sorry po.

"Can't you chat through your smartphone instead?"

sassygalxx
keypad cellphone ko hehe

I rolled my eyes. "Ang laki ng kinita mo sakin, ba't hindi ka bumibili?"

Typing......

sassygalxx
Binayad ko kasi sa mga utang ko

I heaved a sigh. "Is there any other internet café open there?"

typing......

sassygalxx
meron naman kaso malayo na at malalim na rin ang gabi.

I groaned inwardly. "Sayang, nasa mood pa naman akong mag-rant ngayon. Laptop, meron ka ba?"

typing.....

sassygalxx
smartphone nga wala ako, laptop pa kaya?
jokerist ka po 😂

Sumimangot ako. "Can you talk na lang? Tutal nasa kabilang linya ka na e."

typing.....

sassygalxx
Hindi ako pwede magsalita.

I rolled my eyes again. "Are you really that mysterious? Willing kitang bayaran ng kahit anong halaga basta magsalita ka lang."

sassygalxx
Hindi nga pwede, ang kulit mo naman.

Bumuga ako ng hangin. "Twenty thousand, ayaw mo pa rin?"

Typing....

sassygalxx
Sorry po, pero hindi talaga pwede.

Na curious tuloy ako. "Fifty thousand, is it still a no?"

typing....

sassygalxx
grabe, willing kang magbayad ng ganun kalaking halaga?

"It's not even that huge though. But yes, i'm willing to pay. Now speak. Gusto ko rin marinig ang boses mo. Matagal-tagal narin tayong nag-chachat online, don't you think it's about time for us to hear each other's voices?"

typing....

sassygalxx
Medyo familiar nga boses mo eh.

Bahagyang umangat ang isang kilay ko. I'm very sure i'm using my raspy voice right now, imposibleng may maka-recognized sa akin. Kapag nasa studio ako at naghahatid ng balita, pormal at maawtoridad ang boses ko sa harap ng camera. It's far different from my normal speaking voice and the voice i used whenever i'm talking to someone through the phone.

"What do you mean?" tanong ko.

typing.....

sassygalxx
nakikinig ka ba sa radio?

Nagsalubong pareho ang kilay ko. "Yeah, sometimes. Why?"

typing....

A Taste of Bliss (ɢxɢ) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon