CHAPTER FOUR

1.2K 41 7
                                    

Tricia's POV


               Inilapag ko muna saglit ang hawak kong mop at kinuha ang maliit na speaker sa storage room. Dinala ko iyon sa salas at pinatugtog ang sikat na kanta ng SB19,

Mapa.


Naging paborito ko iyan since it makes me relax whenever i listen to it's rhythm.



"Dahil  ikaw ang akin paa,
Sa tuwing ako'y gagapang na
Ang dahilan ng aking paghinga~"



Muli kong pinulot ang mop at nagsimulang lampasuhing muli ang sahig habang sinasabayan ang kanta.


"Kaya wag mag alala
Ipikit ang iyon mata, tahan na
Pahinga muna ako ng bahala
Labis pa sa labis ang yung nagaw—"



Natigilan ako.


Literal na napatigil.



Unti unti kasing pumasok sa isipan ko yung mga lyrics.



Dalawang linggo na din simula noong lumipat at naging Mrs. Suson ako.



Kaya ngayon, sobrang miss na miss ko na sila.. Yung mga kapatid ko, si Vester,



At sila nanay at tatay.


Kahit na hanggang ngayon ay may galit at sakit pa din sa puso, hindi ko maiwasang isipin sila.



Sa dalawang linggo na ito, sobrang dami ng nagbago sa buhay ko. Halos buong buhay na nga ang nabago sa akin eh.




Changeable lifestyle, and endless adjusting was killing me.




Bawal lumabas, bawal kumuntak ng ibang tao maliban nalang kung emergency, bawal galawin ang mga ipinagbabawal, at walang katapusang pakikipagbakbakan sa masungit at cold na si Ken.



In that 2 weeks, i only saw him trice.



Late na kasi siya umuuwi at sobrang aga ding umaalis.

Sobrang busy talaga ng Engineer ko.



Oo, yes, opo.


He's an engineer

(AN: eheee~)




Kaya palagi siyang busy at wala na atang oras para umuwi at magpahinga.


His company was quite busy and i heard that they're currently having a huge project now.





Si Ken,

Siya lang yung nagiisang bagay/tao na hindi ko kayang i describe ng accurate.


Halo halo siya eh.

Pero thanks G nalang kasi hindi katulad ng mga nasa drama, hindi niya ako hinaharass o sinasaktan, o pinipilit.



Medj masakit nga lang mag salita kung minsan.


Cold siya na masungit na may pagka mabait na may halong gentleness na medj conservative na ewan. Hays jusq.




Kaya nga inaanalize ko munang mabuti ang mood niya bago ko siya pakisamahan.





Hindi ko nga alam kung nageexist pa ako sa mundo niya o aware man lang ba siya na may naghihintay sa kanya sa bahay?





Mag isa ko lang rito at kasama ang nagiisang pusa niya. Kami lang. Can you imagine how colorless my life is?




He's My Husband Where stories live. Discover now