CHAPTER SIXTEEN

1.2K 43 11
                                    

Tricia's POV

              "I'll meet them in that named restaurant. Kung busy ka naman mamaya, kahit wag mo na akong sunduin"

Kinuha ko ang shoulder bag ko sa sofa at nagsimulang maglakad na palabas.
"Wait"

Huminto ako at hinarap siya. Nakabihis na din siya at ready na pumunta sa trabaho.



"Hmm?"

"Sasama ako"



Nakita kong kinuha niya ang keychain niya at naglakad na palabas ng bahay.
"Ano pang itinatayo tayo mo dyan?"



Doon lang ako natigil sa panonood sa kanya at bumalik sa katinuan.



"Wala ka bang trabaho ngayon?"
I asked.



"My only work for today is to accompany you. Period."





Napangiti nalang ako at sumunod na sa kanya sa kotse.


May kasunduan kasi kami ngayon ng mga kagrupo ko na magdinner sa isang restaurant bilang celebration sa pagkapanalo namin.




"Nakakapanibago ka, Suson"
I said and laugh a bit.






Hindi siya sumagot kaya tumahimik nalang din ako habang byahe.
Pagkarating namin, sinalubong agad ako ng papayakap na na si Vester pero agad na hinarang ni Ken ang braso niya sa harap ko.




Tinignan ko silang dalawa at umubo ng unti.

"Possessive husband"
Wika ng isa sa kagrupo ko at sabay sabay silang tumawa.


Ito ba ang dahilan kung bakit sumama sakin ngayon si Ken.




Nakipag ngitian nalang ako kay Vester at umupo na sa nakalaang upuan ko. Which is gitna na naman nung dalawa.




"Come, a toast for our victory!"

Tataas na naman sana ng isang baso si Ken pero agad ko itong pinigilan.
"Juice will do for you. Ako ang napeperwesyo kapag nalalasing ka"


Nagtawanan ang lahat sa sinabi ko. Totoo naman eh. Ayoko na ulit mapuyat ng hanggang alas dos ng madaling araw.





"Fine"
Kinuha niya ang isang baso ng juice, ganun din ako, sabay lagok kasama sila.




"This is for you"
Napatingin ako kay Vester nang lagyan niya ng shrimp ang plato ko.


"Thanks"
I smiled.



Kakagat na sana ako roon nang lagyan rin ni Ken ang plato ko.



"Your favorite,"
He gave me a fried squid. Indeed my favorite.



"Thank you, thank you. Kumain na din kayong dalawa, may kamay naman ako"
Sarkastiko kong wika.







"Hayst, Tricia. You're so lucky. Napapaligiran ka ng mga gwapong nilalang"
Wika ni Lia.



"Ito? Gwapo mo na ang mga ito?"
Biro ko naman. Gwapo talaga silang dalawa. Para nga silang PPOP idol na naligaw sa buhay ko.




Great face, figure, attitude, and intelligence.




Nasa kalagitnaan kami ng pagtatawanan nang mag ring ang phone ni Ken. He answered it with us in front of him.




"I'll give you the location"
Rinig kong wika niya sa telepono.

Mukhang may pupuntahan ata.


Pagkatapos niyang ibaba ang tawag ay agad ko siyang tinanong.
"May pupuntahan ka ba? Just go on.."



Ay ano ba yan, parang itinataboy ko ata siya. HAHHAAH.





"Siya ang pupunta dito"
He answered while taking a sharp look at Vester.




"Sino?"



Hindi siya sumagot kaya muli nalang akong humarap sa mga kasama ko at kumain nalang ng kumain. Some minutes past when suddenly, a head turner lady entered the restaurant.




Sabay sabay kaming lumingon doon at boom,






I saw Zelle.





Siya ba ang tumawag kay Ken kanina?







"Ito ba ang sinasabi mong location?"

Tahimik ang lahat habang nakatingin kay Zelle na ngayon ay nakatingin kay Ken na siya namang malagkit na nakatingin sa akin.



"Yes, any problem?"
My husband coldly answered.




I saw Zelle, shrugged.
"I think, this occupied restaurant isn't convenient for our business meetin—"




"I don't see any problems here"
Sagot muli ni Ken.



Wala ng nagawa si Zelle at umupo nalang sa kabilang gilid ni Ken at nilabas ang laptop. Halatang hindi siya sanay sa usok at init na nasa loob ng restaurant kaya panay ang paypay niya sa sarili.








"Ken, you should find some convenient place for you two"
Bulong ko sa katabi ko.



He took me a sharp look sabay sabi ng,
"Pinapamigay mo ba ako?"


Natawa ako sa loob loob ko dahil sa ekspresyon ng mukha niya.

"Hindi sa gan—"

"No"


Ayan na naman siya sa 'no' thingy niya eh.
Napakamanipulative.




Natapos na ang diner namin at nagsimula ng magsiuwian ang lahat. Naiwan kaming apat sa restaurant.

"A-ah, sasabay nalang ako kay Vester para makapag meeting pa kayo ng maayos"
Labag sa loob kong sabi.



"Tara"
Masayang aya naman ni Vester sa akin.


Aangkas na sana ako sa kotsye ni Vester nang agawin ni Ken ang braso ko.
"Kailan pa ako pumayag?"
He coldly asked.





Napalunok ako ng sarili kong laway nang makita ang blangko at masungit niyang mukha.




"A-ah..."


"You seem to be busy, i don't mind keeping her accompany"
Sabat naman ni Vester sa likod.


"No need. I'll do it as her husband"
Ngumiti pa si Ken pero halata doon ang inis at pretension.



Teka, bakit naman siya maiinis?
Ayaw niya lang sigurong magka issue ang marriage namin kaya hindi niya ako hinahayaang makisama sa ibang lalaki.





Hinatak na ako palayo ni Ken at ipinasok sa kotsye niya.

Salubong ang kilay niya habang nag mamaneho kaya hindi ko mapigilang magtanong.



"Ken..."

"What?"
Halos sigaw na ata ang tono niya.


"Nagseselos kaba?"
Napabungisngis ako habang tinatanong iyon.



"Why would i?"

Medj kumalma na ang sistema niya ngayon.



"Wala, halata lang sa lukot mong mukha"
Prangka kong tanong.








"Ano naman kung ganun? Asawa naman kita.."




Utomatiko akong napalingon sa direksyon niya kasabay ng mabilis na pagpula ng mukha ko at hindi normal na pagtaboy ng puso ko.










".. Asawa naman kita"







ARGGHHHH KENNNN! BAKIT MO GINAGAWA SAKIN TOHHH?!

He's My Husband Where stories live. Discover now