Ten

62 13 2
                                    

"Darating din kaya 'Yung panahon na maiisip mo rin ako?" he added.

My lips parted. Natigilan ako sa mga sinasabi niya. I was about to say something but he suddenly burst out laughing and flicked my forehead. "Mag-artista na ba ako?"

Inis ko siyang tinignan habang hinihimas ang noo ko. I tsked. "Naku, 'wag please lang," I uttered. "Alam mo nakakainis ka!" I crossed my arms. "Akala ko kung ano na sinasabi mo."

He smiled and placed his arms on the table. "Ano bang akala mo?" he asked.

I bit the insides of my cheeks. "Akala ko brokenhearted ka," I responded and shrugged my shoulders.

"Matagal na akong broken, Aemour." He tilted his head and looked at me in the eyes.

Naputol ang pagtingin niya sa 'kin nang dumating na ang order naming ramen. Nagpa-additional pa si Axel ng kimchi.

"Aemour," tawag niya sa 'kin habang binibigyan ko siya ng chopsticks. Napalingon ako sa kanya at taka siyang tinignan. "Artista ka ba?" tanong niya.

My brows creased. "Huh?" May balak ba siyang mag-pick-up line?

He gazed into someone so I looked at it too. There are girls near us sitting on the four-seater table, taking photos of us. Pasimple nila 'yong ginagawa at nang napansin nilang nakatingin na kami ay bigla nilang tinigil ito.

Parang nakikilala ko sila. Kung hindi ako nagkakamali ay naroon din sila kanina kung saan maraming tumitingin sa amin, nung niyaya ako ulit ni Matmat sa kanyang birthday.

Mga paparazzi ko ba sila?! Ano naman kinalaman ng pagpunta sa Ramen In Your Area sa pagkuha ng picture sa 'kin?

Lumingon ako kay Axel. "Hayaan mo na sila," I said.

He sighed. "Aemour, they are taking pictures without your consent... Hindi natin alam kung saan nila gagamitin 'yon," he said, frowning his brows.

"Malay mo nagagandahan sila sa 'kin, gusto nila ang style ng damit ko," pagbibiro ko at bahagyang tumawa. "Baka naman crush ka nila! Ikaw yata kinukuhanan ng picture, eh," wika ko.

Marami rin babae ang nagkakagusto rito kay Axel at hindi ko alam kung bakit mukhang hindi siya interesado sa kanila. Kinakausap niya ang iba pero lagi niya itong tinatanggihan.

He also rejected one of the representatives of the pageant, Binibining Kagandahan, which will be held on December. Ang babaeng iyon ay nasa Architecture department. Ang sabi ni Axel, hindi raw niya 'yon gusto at para hindi na umasa ang babae, he decided to turn her down.

"Gwapo ko naman kung gano'n." Nakita kong napanguso siya bago sumubo kaya napailing na lang ako at kumain na rin.

Hindi ko nga rin alam sa mga babae kanina. Mamaya, makita na lang namin mukha niya, nasa Tiktok na pala siya at pinagsi-simp ng mga babae.

Nagkukwentuhan kami ni Axel tungkol sa naging first ever crush namin nang matapos kumain. Hindi ko na maalala kung sino ang sa 'kin, siguro dahil sa matagal na rin 'yon. Para sa iba, alam na alam pa nila kung sino dahil napaka-memorable ng mga firsts, samantalang ako, hirap sa pag-alala. Axel had his first crush when he was in grade three. They were clasmates. He addressed his first crush as "peppa".

"She's really cute. Ang pisngi niya ang paborito kong pinipisil," he said, remembering those old good days he had. "I confessed to her but she just punched my left cheek." He pointed his left face, brows were snapped together.

My eyes filled with amusement. "Talaga?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Ang gandang memory naman 'yan sa crush mo." I chuckled. "Sinuntok ka talaga?!" Napatakip ako sa bibig at napatawa nang malakas.

In Time (Twist of Fate Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon