Twenty-five

32 6 4
                                    

"Huwag kang manghinayang sa taong sinayang ka..." pagbasa ko sa isang Facebook post.

Napahugot na lamang ako ng malalim na buntong hininga bago in-off ang phone at inayos ang unan na hinihigaan ko. Nakahiga ako ngayon at ready na sanang matulog kaya lang, ayaw sa akin ng tulog kaya nag-check na lang ako ng socmed ko.

I placed the back of my palm on my head, staring at the ceiling, here in my dark room, only the moon gives a little light from my window. Once again, I sighed and tried to shut my eyes but couldn't fell asleep.

Bumangon ako ay binuksan ang lamp sa study desk ko sa gilid ng kama. I grabbed my pencil and sketchbook to draw a dress... or anything. Again, I couldn't draw anything. I was just staring on a blank page for a long time.

Paulit-ulit na bumabalik sa aking isipan ang ginawa nila. Ni hindi ko alam... Hindi ko alam na hindi na pala ako. Nakakalungkot isipin na ang taong inaasahan kong makakasama ko sa panghabang buhay ay mukhang magiging dahilan pa para ako ay sumakabilang buhay.

Nakakapagod. Nakakalungkot. Nakakaubos. Nakakawalang gana sa lahat. Gusto kong umiyak pero wala na akong mailabas. Pabalik-balik pa ang lagnat ko... Pero pumasok pa rin ako at sinubukang magpagaling. Inalagaan ko ang sarili ko. Kailangan ko, eh.

"Kain ka muna," ani ni Millie at naglahad ng burger na mukang in-order pa kanina. Umiling lang ako bilang sagot.

Dala ko ang gawa kong design sa aming classroom at binigyan kami ng free time to do our activities o ibang kailangan na requirements. Ewan ko ba, good mood ang prof namin ngayon. Marami pa kasi sa amin ang hindi pa tapos lalo na ang kailangan sa fashion show.

Hindi ko ma-imagine na natapos ko 'yong design ko in less than two months dahil super excited ako na model ko si Matmat tapos ganito rin pala ang mangyayari sa amin.

"Mayroon akong binake na cookies sa bahay. Gusto mo bang doon muna tayo?" Millie offered again. Kita ko rin ang efforts nilang magpinsan para mapagaan ang loob ko kaya pumayag na ako.

Masarap ang gawa ni Millie. Narito kami ngayon sa kwarto niya at nakaupo sa carpet nila. We even watched a movie, but I wasn't focused, that's why I didn't understand the story.

"Mahal ka namin, okay? Hindi namin alam ang nangyari pero basta... Andito lang kami..." I cried as Amara told me those words after she unplugged their tv. My friends embraced and hushed me.

With that, I cried harder. "Mahal ka namin, Aemour." Millie's voice broke and she started sobbing too. Nasa gitna nila akong dalawa at ramdam ko ang patuloy nilang paghagod sa aking likod. "In time, everything will be okay. Hindi naman paunahan ang paghilom. Wala namang deadline. We are always here, hmm? Hindi ka nag-iisa..."

They wanted to take me home but I refused politely. I told them that I can handle myself and I just want to have some time for myself. They understood and just told me to take care. Maliwanag pa naman sa labas at siguro nasa 4PM pa lang ngayon. Nakalimutan ko kasi na magsuot ng relo ngayon.

I decided to go to the textile store, which I usually buy my fabrics for my projects. I also went to an eatery nearby to eat dinner and took out some for my sister. Nagbago na naman ang schedule ng trabaho niya.

I rode a trike to go home and when it stopped in front of our house, he was there. Matmat was there, sitting and waiting... for someone. For me.

Nagbayad ako pagkababa at nakita ko si Matmat na nakatitig sa akin gamit ang kanyang umiiyak na mga mata at nakatayo na sa harapan ko. "Umalis ka na lang, pwede ba?" matamlay kong saad sa kanya bago siya nilagpasan at pumasok na sa loob.

Upon arriving home, my sister was baking something. "Oh, andoon si Matmat sa labas, mukhang inaantay ka. Nagkausap ba kayo?" bungad niya. She still doesn't know about what happened. "Pareho kayong matamlay tignan..." nag-aalalang aniya.

In Time (Twist of Fate Series #1)Where stories live. Discover now