Thirty-five

45 1 0
                                    

M A T M A T

I was excited to see her. But she was with Axel.

Dahil sa glass ang door, nakita ko sa loob kung paano tinupi ni Aemour ang sleeves ni Axel. Nakaramdam ako ng kung anong kumirot sa puso ko.

"It's not about timing. It's all about my hesitations," I whispered to myself before walking away.

Alam ko na kahit papaano ay may nag-improve sa aming dalawa. Pero nawawalan pa rin ako ng lakas umamin. Ang hina ko. Naiinis ako sa sarili ko.

To: Aking Sinta

knock knock. time to wake up sleepy head. i cooked your breakfast :) enjoy

From: Aking Sinta

thank u so much lodi! 🤩 pinapasok ka ni ate? masyado mo naman akong sinasanay. sige ka baka di na kita pakawalan niyan >_<

To: Aking Sinta

thanks to your sister i got to see your house again and of course you. please eat a lot aemour.

Totoong nakita ko siyang tulog dahil inutusan ako ng kanyang Ate na gisingin daw ako. Inalis ko ang mga  buhok na nakaharang sa kanyang mukha habang natutulog. Magulo na ang kama niya at nagkalat na ang unan. Lihim akong napangiti nang makitang yakap niya ang bigay kong red cushion.

"Aemour, wake up. You have to eat breakfast. Late na," I whispered to her. She groaned like a child that doesn't want to wake up yet. Napangiti na naman ako. Bakit ang ganda niya pa rin kahit tulog?

Kahit noong nagkaroon ng clean up drive sa amin, pawisan na siya pero napakaganda niya pa rin. Napakabango pa. Amoy baby. Ganoon ang amoy niya.

That's why I gathered all my strength to confess and ask her sister if I can court Aemour. Nagsabi ako kay Mama dahil gusto kong siya ang unang makaalam. Tuwang-tuwa siya dahil gusto raw niya si Aemour para sa akin at wala ng iba dahil sa madalas ko siyang nakukuwento, alam ni Mama na masaya ako sa piling no Aemour.

I wanted to take small steps with Aemour. Gusto kong dumaan sa tamang proseso na dadaan muna sa panliligaw. Ganoon din kasi nakuha ni Papa ang puso ni Mama base sa kwento nila noong bata pa ako.

"Walang problema sa akin. Malaki na kayo. Basta huwag niyong pababayaan pag-aaral niyo. Kapag iyon umiyak sa 'yo, sisikmuraan kita," aniya, sa dulo ay parang nanghahamon.

I laughed a little. "Thank you po. I will give my best to make her feel loved and happy."

Ako na yata ang pinakamasayang tao nang maging certified suitor na niya ako. At lalo na noong maging kami na. It was raining when I told her I love her. Yes, I love her. Sobra. Nagsasayaw kami sa gitna ng ulan at sinabi ko na mahal ko siya. Hindi ko na mapigilan.

Being with her, it was the happiest moments in my life and I could not ask for more. Masyado na akong blessed kay Lord dahil ibinigay niya sa akin ang babaeng matagal ko nang ipinagdarasal.

Kaya noong pumunta ang Ate niya sa akin, mukhang nag-aalala ay 'di ako nagdalawang isip na puntahan agad si Aemour. Sa sobrang pag-aalala ay nasira ko ang doorknob ng kanyang kwarto. She fell asleep inside the bathroom. I knew that she cried. Her eyes were puffy and red.

As much as I want to ask what happened, I remained calm and do everything to make her smile.

"Ayaw mo ba sa lips ko?" she asked. Halos tumigil na ang pagtibok sa puso ko no'ng itanong niya sa akin iyon. Gusto ko, Aemour. Gustong-gusto ko. Her lips looked kissable. Pero baka kapag hinalikan ko siya, hindi ko ma-control at mas higit pa roon ang magawa ko.

In Time (Twist of Fate Series #1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz