Twenty-nine

45 5 0
                                    

"Gaga ka talaga."

Inuntog ko ang ulo sa pinto ng banyo nang matapos nang maligo. I just had a four-hour sleep. Bakit ba maging sa pagtulog ko, hindi ko siya maiwasan?!

Sa dinami ng tao, si Matmat pa talaga ang nakakuha kay Gido?! I was glad that Gido was found but... of all siya talaga?

He even offered me to treat my wounds?! Like, can't I treat my small wound, huh?! Bakit naman siya pa manggagamot, eh, marunong naman ako!

Tapos bakit parang... concern pa siya sa akin?! Wait, concern ba siya sa akin? I exhaled sharply in frustration.

Lumabas din lang ako roon at nagpalamon sa kama. Inis kong sinipa-sipa sa ere ang paa ko na parang tanga.

"Pediatrician na kaya siya?" I whispered to myself. I sighed in dismayed. Bakit ko pa rin ba siya iniisip?

"Tanda mo na. Makakalimutin ka na. Dapat magpakasal ka na, in short pakasalan mo ako, ganoon," sambit ni Axel, natatawa.

Naiwan ko kasi 'yong wallet sa kotse niya. Nagloko bigla 'yung makina ng sasakyan ko at sakto namang pumunta siya sa condo para ibalik iyon kaya sinabi niyang makisakay na lang ako sa kanya.

"Bakit ba single ka pa rin, huh? Ginagaya mo ba 'ko?" I let out a soft chuckle and drifted my eyes in him.

Nakangiti siyang nakatingin sa harapan habang nagmamaneho. "Para goals tayo," he replied.

I playfully rolled my eyes before crossing my arms. "Saan nga pala next flight mo?" I asked him, my eyes were on the road now.

"Hmm... Switzerland," he answered.

I nodded. "Alam mo ba na gusto na naman ni Rissa maging pilot dahil sa 'yo. Noong nakaraan gusto niya maging baker. Tapos minsan gusto niyang maging fashion designer, tapos ngayon, pilot na!" litanya ko. I heard him laughed softly. My gaze turned to him. "Seryoso nga."

"Bata pa naman siya. Ganoon talaga sila. Kung anong nakikita nila, o naoobserbahan, gusto rin nila ng ganoon. Try mo mag-anak," aniya at natawa.

My eyes widened on his last statement. "Try ko mag-anak?! Thirty na ako, 'no! At saka, wala akong balak mag-asawa..." Umiwas ako ng tingin.

"Aw, wala kang balak na asawahin ako?" he dramatically asked. "Kasi ako mayroon."

I hit him on his arm. "Siraulo!" I hissed.

I haven't seen Matmat for two months now. Hindi naman sa nanghihinayang ako kasi hindi naman talaga. Masaya nga ako, eh! Wala na akong iisipin! Kung saang lupalop man siya ng mundo, sana huwag na siyang magpakita!

"Pasensiya na talaga sa abala, Aemour," nahihiyang sambit ni Ate nang makasakay na sa loob ng kotse si Rissa. May lagnat kasi ang bata kaya ipapa-check up siya ngayon. Sakto naman na may birthday party na pinaghahandaan si Ate ngayong araw kaya ako na ang nagsabi na ako na ang bahala sa pamangkin.

"Sasama na lang ako," bawi niya rin, mukhang nag-aalala.

I gently shook my head and gave her an assuring smile. "I'll take care of my niece, Ate."

Nagpunta kami sa clinic na sinabi sa akin ni Ate. Kaya lang, pagpunta roon ay nag-out of town daw ang doctor ni Rissa at pediatric resident ang naroon. Napakarami rin na patient ang nasa waiting area. Nagbanggit sila ng pangalan ng isang clinic na hindi rin naman malayo roon at magaling din daw ang doctor.

Halos malagutan naman ako ng hininga pagkasabi ng pangalan ng clinic.

Escobar's Pedia Clinic.

Panay ang aking paglunok habang binabaybay ang daan papunta sa clinic na iyon. Sana hindi siya... sana hindi... Huwag sanang siya iyon... Marami naman sigurong Escobar 'di ba? Hindi lang naman siya ang may surname na ganoon... Sana nga.

In Time (Twist of Fate Series #1)Where stories live. Discover now