Twenty

33 8 5
                                    

"Magkakaroon tayo ng Christmas fashion show!" ani ng prof namin sa fashion merchandising.

"You have months of preparation so better take this seriously. You have to get your model and of course, align your designs sa theme." She discussed everything we have to do and the schedule for the fashion show. It will be held on the second week of December.

Everybody were excited. Ganoon din ako. Kaya lang, magiging napaka-busy na naman this year. Lagi ko na lang iniisip na magiging worth it din naman ang lahat in time.

Mabuti na lang at kahit papaano may pera na ako. Kailangan talagang magtipid at magtrabaho para may panggastos sa mga materials na kailangan.

I'm still thinking if I should get Matmat as my model. He was very busy these days because he's one of the volunteers on a clinic. Probably, the whole year.

"Sinong model mo, Amara?" I heard Leona asked her. Nasa gitna ako ng magpinsan at nasa kanan ni Amara si Leona.

"Boyfriend ko," Amara answered in a stern voice.

"Aw, may boyfriend ka?" Leona asked, looked shocked.

"Oo," Amara replied shortly.

"Millie, sino sa 'yo?" bulong ko sa katabi na nags-scan ng isang fashion magazine.

She massaged her temple. "Wala rin akong maisip... Siguro..." She sighed and turn her gaze at me. "Bahala na," she said. "Ikaw?" she asked.

I gave her a small pout. "Si Matmat sana... kaya lang, paniguradong busy no'n." I shrugged.

"Si Axel," she suggested.

"Uy, anong chika?" singit ni Amara at nilapit ang mukha sa akin.

"Binabackstab ka namin," Millie answered, joking.

"Busy rin 'yon sa," tugon ko kay Millie at nilingon si Amara. "Kailan ka mags-start magsukat?" tanong ko naman sa kanya.

She giggled. "Hindi ko na kailangan sukatan 'yon. Alam na alam ko na nga ang size. Ganito, oh." Inilabas niya ang hintuturo at hinlalaki na daliri at pinakita ang sinasabing size.

"Amara!" I hissed, laughing. "Gaga ka talaga!"

"Three times week ba naman," pagpaparinig ni Millie at natatawang napailing.

"Eh, minsan nga sobra pa sa three times," Amara shrugged her shoulders.

I covered my ears, pretending not to listen on what she's saying. Paano kami napunta sa ganoong topic?! Tapos, hindi ba napapagod mga katawan nila?! Ah, erase, erase!

Pwede rin namang si Ate ang kunin kong model. Iisipin ko pa lang na makiusap sa kanya, hindi 'yon papayag! Busy rin 'yon, eh! Lahat ng tao busy!

I sighed in dismayed when I can not think of anyone to be my model. Padilim na nang makauwi ako sa bahay at pagod na pagod ang aking katawan sa dami ng ginagawa.

But, I still have to cook for our dinner and make accessories for my buyers. Uuwi na naman siguro nang late si Ate. Kung pwede nga lang saluhin ko na ang lahat para hindi na nagpapakapagod 'yung kapatid kong 'yon, ginawa ko na.

After eating, I checked my phone and there's a lot of text messages from my boyfriend. I chuckled when all of his messages were 'I miss you' and used a lot of hearts emoji. He volunteered on a clinic that currently have a community service for children. Free checkups and feeding program .

I texted him back while smiling.

To: Matmat

i miss u too mahal ko!! u did a great job the whole day! i love you & i'm so proud of u, doc!! can't wait to hug u again! mwa 💓💓💓

In Time (Twist of Fate Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora