Eleven

105 12 0
                                    

"Bakit ayaw mo umamin?" Huwag mong susubukan lalo na kapag hindi ako 'yon! "Malay mo, swak kayo, 'di ba?" I uttered, smiling despite the pain in my heart.

Walang swak swak dito! Hindi naman sila Bear Brand para maging swak! Kung sino man 'yon, edi wow.

"Hindi ko pa napapatunayan ang sarili ko," he stated, showing a small smile. "I'm still a student, wala pa akong maibibigay sa kanya..."

I tsked. "Hindi mo na kailangan patunayan ang sarili mo. Kasi sa 'kin, sobra mo nang napatunayan na si Flynn Alejandro Matthew Escobar ay napakahusay na student! Ang sipag mo kaya, tapos napakabait mo sa Mama mo atsaka sa mga tao aa paligid mo!" Pinagdikit ko ang aking mga palad. "Habang maaga pa, mag-confess ka na!"

I kept on saying that he must confess to that 'someone' but I was hoping he would not. Hindi ko siya kayang makita na masaya sa iba.

Kahit sa ganitong pagkakaibigan ko siya makakasama, wala na akong hihilingin pa.

Kita ko na napangiti siya nang palihim. Madilim na ang langit ngunit dahil sa marami namang poste, ito ang nagbibigay ng liwanag sa lugar.

He licked his lower lip. "I will tell her in time." I nodded. "About your text..." he halted. He took a step forward. "Yes, I waited for you outside your house. Si Ate mo, inimbita ko kaya lang, busy raw siya... Tapos pala pinapasok pa ako para doon ka na raw sana antayin..." He scratched his head. I was just staring at him. "Kaya lang nahihiya kasi ako," he uttered. "Hindi ako nakapag-reply, sorry," he said shyly.

"Ayos lang naman 'yon." I gave his head a light pat. Kinailangan ko pa na tumingkayad para magawa iyon. "You're so cute, Matmat," wala sa sarili kong pahayag dahil sa akto niy kanina. His lips parted in shock. He was about to say something but I halted him. "Pasok na ako sa loob. Bye!" nagmamadali kong paalam at dumiretso na sa loob ng bahay.

Takte! Sasabihin ko sana na 'happy birthday, sana matupad lahat ng mga wish mo'! Bakit ko ba nasabi 'yon?! Well, totoo naman, kaya lang, may iba siyang gusto! Dapat na akong lumayo at maging masaya para sa kanya. Wala na akong chance! Wala na!

I spend the whole evening making patterns for my design. Our prof told us to make an outfit that describes our feelings, and I will start to sew it tomorrow and must be done by next week.

As a fashion design student, I really need to have a good time management. The earlier the better. Kapag maaga pa, maaaari pang makaisip ng mga design na magagawa at malaking chance na maganda ang outcome ng gawa at mataas ang grades na ibibigay.

Sequin embellished mini dress ang naplano kong gagawin, with the use of color yellow. It is a versatile color that depicts cheerfulness. Dahil nakakausap ko na kasi si Matmat at inimbitahan pa ako sa kanyng espesyal na araw.

But now, I chose the color of light blue. It is a color that represents my feeling of sadness and melancholy mood.

Naiinggit ako roon sa babaeng gusto niya. Sana ako na lang.

I sighed inwardly and continued what I am doing. Ni-ready ko na 'yong dress form na gagamitin ko para sa draping technique bago gupitin ang fabric. Inabala ko na lang din ang sarili ko. Kahit sa mga sumunod na araw ay hindi ko na lang pinansin si Matmat.

May gusto siya. Hindi na dapat ako nangingialam!

Kaya lang, kung kailan naman ako umiiwas ay saka naman ako pinapansin ni Matmat! Binilhan niya ako ng ice cream noong Lunes! Tapos no'ng Wednesday naman, binigyan niya ako ng note na may nakalagay na 'don't forget to eat on time! -M'

Kakalbuhin na talaga kita, Matmat! Naiinis ako kasi kinikilig ako!

Napabuntong-hininga ako at napatingala sa madilim na kalangitan. Nasa waiting shed ako, nakatayo at inaantay na tumila ang ulan bago umuwi.

In Time (Twist of Fate Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon