Twenty-one

36 6 0
                                    

"34 inches..."

I jot down the measurement of his waist on my draft notebook. I cleared my throat when I am measuring him downwards.

We're in the house and he even took a bath before coming here that's why I could smell his fresh fragrance. "Pawis ka na naman, mahal," mahinang sambit ni Matmat nang matapos ko nang masukat ang kanyang hips.

I let out a soft chuckle and looked at him. "Mainit lang talaga," marahang wika ko.

My heart began to pound so loud when he placed some strands of hair behind my ear. "Ang ganda at bango mo pa rin kahit pawis ka na," he whispered, grinning. "You smelled like a baby. My baby," he added.

Mas lalong uminit ang pakiramdam ko at pekeng napaubo habang pinapaypayan ang sarili. "S-Siraulo!" I said, stuttered.

"You're red." He immediately went near me and checked my forehead and neck. "Magpahinga ka muna," aniya bago tumungo ng kusina at kumuha ng maiinom ko.

Wala ako sa sarili nanag umupo sa sofa. Tangina, Aemour, umayos ka! Stay focused, please lang!

Natuloy rin namin agad ang pagsusukat at nagpapasalamat akong natapos din ito agad. Pinauwi ko na siya dahil sa kung ano na naman ang maisip ko!

I should bath myself with holy water.

The next day, we went to school together. As always. But this time, I tried my best to avoid him and his gaze.

"Are you mad, hmm?" malambing na tanong niya nang nasa loob na kami ng tricycle, nilapit pa ang mukha. I just shook my head as my response. "Hindi mo 'ko pinapansin." Sinulyapan ko siya at nakitang nakanguso.

I bit my lips to stifle a smile. Paano ko siya hindi matitiis kung ganyan naman siya ka-cute kapag ngumuso!

"How could you ignore this being, hmm?" He slightly poked my right cheek, laughing. "Hindi ako pinapansin ng aking sinta..." Inalis niya rin iyon. "Do you have?" he whispered.

Bahagyang kumunot ang aking noo. "Huh?" I asked, gazing at him.

"Your monthly period," he whispered again. Last week pa ako dinatnan. Sadyang kinakabahan lang ako kapag nariyan siya! Kung anu-ano ang naiisip ko! I could feel my face reddened because of what he stated. Again! I avoided his gaze. I heard him chuckled. "Moody ngayon ang mahal ko..."

Nang makarating sa university ay hinatid niya pa ako sa aming room. Maaga kasi kami umalis kaya may time pa na ihatid niya ako.

"Good luck for today," aniya bago matamis na ngumiti. Ngumuso na lang ako at tumango.

Leona was there when I entered the room, scrolling on her phone. Wala pa sila Millie. Tahimik lang akong umupo sa seat ko at nagbasa ng notes para sa recitation.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya nang marinig ang boses ni Matmat na kumakanta ng Akin Ka na Lang ng Itchyworms. Iyon ang kinanta niya noong male pageant... 'yong nahanap ko rin noon na naka-tag sa kanya sa Facebook noong panahong nasa stalking stage pa ako.

I gulped when I heard her chuckled and even whispered something.

Nag-focus na lang ako at inabala ang sarili sa pag-iisip ng design sa paparating na fashion show sa December.

Nang matapos apos na ang aming graded recitation kaya pasimple akong nag-cellphone at ini-text si Matmat. Wala akong maisip na sasabihin. Ayan, iwas pa more, miss mo rin naman agad!

To: Matmat

hui ano...

i miss u

sori po >_<

In Time (Twist of Fate Series #1)Where stories live. Discover now