CHAPTER 1

1.8K 123 23
                                    

First ud sa story na to na dapat soon pa. Sinubukan ko lang, practice ba eme.

VOTE AGAD

EnjoOooooOoy!

Totoy

"Hoy beh magkano ditey?! Leche ang init bakit kasi ang hot ko masiyado!" Malakas na sigaw ng isang bakla habang pumipili ng galunggong at nilalagay sa timbangan.

"Beh may presyo na dyan oh. 'Nay pakiasikaso nga po si Gandara, mauna na po ako at may pinagagawa sa akin sa parlor." nakangiting sabi ko. Tumango naman si mama na kasalukuyang nagtatanggal ng kaliskis.

Napainat muna ako at nilublob ang kamay sa planggang may tubig at saka diretsong lumabas ng pwesto. Shet nakakahiya kay Silver kaya dadaan pa akong parlor para manghingi ng alcohol.

Hays hirap pag magjowa ka ng mayaman, malinis sa katawan at amoy downy. Bababa ang tingin mo sa sarili mo kahit 5'2 height mo. Jusko dai!

"Bakla saan ang punta mo?" Sigaw ng mga kasama naming tindero din dito sa palengke na si Kuya Mac.

"Sa parlor kuya, papaganda ems" biro ko dito at dire diretsong lumabas ng palengke. Kainis naman wala pa pala akong ligo.

Imbis na sa parlor ay dumiretso nalang ako sa maliit na kubo. Malayo layo pa pero dahil sa pagmamadali ay nakarating ako kaagad.

Sa amin sana to kubo kaso naibenta nung namatay si papa. Kaya nangungupahan nalang kami.

"Si sexy nagbalik na. Oh anong ganap sa palengke at napauwi ka yata?" Takang tanong ni Kuya Ben, kasama namin sa bahay. Kahati namin sa bayad sa upa.

"Hay naku manong sobrang init as in parang may pa free trial sa impyerno!" Naiinis kong sabi at akmang bubuhatin na ang timbang may tubig papunta sa banyo nang pigilan ako nito.

"Ako na at mabigat yan. Si mama mo ayos lang ba?" Nag aalalang tanong nito. Napangiti ako nang nakakaloko.

"Sus! Torpe mo manong sinabi ko naman sayong ok lang sakin. Ikaw din maunahan ka ng iba dyan" pagpaparinig ko sa katabi naming bahay na matagal na ring sumisilay silay kay mama.

******

Sa tigas ng buhok ko ay nagsumbrero nalang ako. Walang shampoo punyatera next time nga nakawin ko shampoo nila Silver. Charizz!

"Sexy pakidaanan mo nga mama mo at pakiabot to. Kunwari sayo galing" nakangiting sabi ni Kuya Ben. Mini fan iyon at mukhang bago pa.

"Ay bongga may pa mini fan. Baka sakalin ako ni mama manong kung sasabihin kong sakin galing yan." Tipid kasing tao si mama, sinasakto niya lang para may kakainin kami at pambayad sa upa. Mahirap nga naman ang buhay namin tapos bibili pa ako ng ganito.

"Oo na sabihin mo sakin galing. At bukas makikikabit ako dyan sa kabila ng kuryenta para may ilaw na tayo" napanganga ako.

"True ba manong?!" Gulat kong tanong.

"Napromote ako sexy, matagal na rin kasi ako sa-" di ko na ito pinatapos at mahigpit na niyakap.

"Oh my God manong hulog ka ng langit! Fallen angel yarn!" Hinampas ko pa ito at kinurot sa tagiliran. Nagkamot lang ito ng ulo.

"Sige na sexy alis na. Yung mini fan ah huwag kalimutan" paalala nito. Agad naman akong umoo at lumabas na ng aming munting kubo.

******

"Hala ka nak nakakahiya naman. Pakisabi s-salamat" gulat na sabi ni mama habang hawak hawak ang umaandar na mini fan.

"Eme si mama magkakasama lang tayo sa bahay e ikaw na magsabi. Jowain mo na at suport naman ako. Gora!" Umirap ito at malakas akong hinampas.

I'm His Secret Lover (BxB) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon