CHAPTER 11

745 51 0
                                    

Wala ako sa mood ang daming kinemerut samin kingina.

Pero enjoy pa din.

Vote = free bebetime sa valentines.

Totoy

"Japjap pasok ka. Isama mo na yang si miss ganda. Bagay na bagay talaga kayo!" Kanina pa kasi kami nandito sa bakuran puro chika. Hapunan na rin kaya dito ko na sila balak pakainin.

Kasama niya ang kasintahan niyang si Andrea. Matagal na din pala sila siguro kalahati ng taon mula nang lumipat sina Japjap sa lugar nila ngayon.

"Ay Toy di na. Dito kasi naming balak yung alam mo na. Haha!" Napansin kong nahiya ang girlfriend niya at mahina siyang hinampas sa braso.

"Mag ano? Paano ko malalaman yan e ngayon nga lang tayo nagkita" sabi ko dito. Napatingin lang ito sa girlfriend niya at sabay silang natawa.

"Hmmp ewan ko sa inyo. Sige na, mag enjoy kayo dito! Kailan nga pala ang alis mo Jap?" Tanong ko dito.

"Siguro bukas alis na rin ako. Bawal magtagal e. Lagot ako kay papa" napasimangot naman ako.

"Ang bilis naman. Pero ok lang din kasi kahit papaano nakadalaw ka dito." Pumatong ang kamay nito sa ulo ko.

"Tsk paano ako aalis niyan kung ganyan ka kalungkot. Naku babe di ko pwedeng iwan nang ganito to." Napairap ako at inis na kinurot ang tagiliran nito. Rinig ko ang pagtawa ng girlfriend niya.

"Baliw ka talaga. Naku Andrea habaan mo ang pasensya mo sa baklang yan. Ako na naaawa sayo ngayon palang. Makulit at masyadong malandi yan. Sana di mo bigyan ng kahulugan to ah. Dikit lang kasi kami niyan at halos magkasama nang lumaki dito"

"Haha oo naman beh. Kahit doon samin ganyan talaga siya. Minsan syempre nakakaselos pero may tiwala naman ako sa kaniya. Kapag nagloko naman yan iiwan ko agad." Agad sumama ang mukha ni Japjap dahilan para matawa ako.

"Ayan Jap narinig mo na ah? Tsk lagot!" Natatawa kong sabi dahilan para masama itong tumingin sakin.

"Tara na nga babe hmp! Bye na Totoy, maaga din kasi alis namin bukas. Kunin mo nalang kay Vane yung gift ko. Sabi ko kasi sa birthday mo na mismo ibigay" mabilis nitong hinawakan ang kamay ni Andrea at patakbong umalis.

Napahinga ako nang malalim bago pumasok sa bahay.

Buti kapa Andrea, kaya mong gawin yun.

"Sexy halika dali! Si pogi oh!" Paghila sakin ni manong. Agad naman akong napatingin sa cellphone niyang may TV at bahagyang nanlaki ang mata nang makita ang nakaboxer at sandong si Silver.

"Tsk bakit ba nila binabalita yung ganyang kasimpleng bagay. Oa naman nila" naiirita kong sabi.

"Good news nga yan sexy kasi nagkakaroon siya ng exposure. Sigurado ang daming offer na dumarating sa kaniya ngayon" mas lalo nagngitngit ang ulo ko sa narinig.

"Dahil lang dyan? Diba talent ang hinahanap sa industriyang yan? Sabagay, halos lahat naman kasi puro itsura nalang. Kaya nga ang papangit ng pinapalabas nila e" naiinis kong sabi at pumunta sa maliit naming kusina para kumuha ng tubig sa baso.

"Hindi ba dapat masaya ka sexy? Kasi unti unti nang natutupad yung pangarap ng kasintahan mo?" Mahinang sabi ni manong. Napabuntong hininga ako at napaupo sa harap nito.

"Ewan manong. Siguro pakiramdam ko dahil marami na siyang project, mas malaki ang tiyansa na makakuha siya ng magandang babae doon. Baka din umabot kami sa puntong hindi na kami magkita, yung wala na talaga kahit tawag dahil sa schedule niya" malungkot kong paliwanag. Napangiti naman si manong at ginulo ang buhok ko.

"Bakit ganyan ang iniisip mo? Insecure ka Totoy, kung ganyan ka palagi baka nga makahanap si Silver. Hindi magiging kayo kung walang naramdaman ni konting pagkagusto sa kagaya mo si Silver.-" napatigil si manong at napatingin din sa pintuan nang biglang dumating si mama.

"Totoy dalian mo at kunin ang banig sa kuwarto. Nandito sina tita mo. Dito daw muna sila matutulog ng anak niya. Pasok kayo" agad akong napatayo at pumasok ng silid. Nang makuha ang banig sa ilalim ng papag ay agad akong lumabas.

Agad sumama ang mukha ko nang makita ang kinaiinisan kong pinsan. Nakangisi pa ito habang unti unting inaangat ang t-shirt niyang suot. Bakit nandito 'tong chaka na to?

"Umayos ka Mark 'yang tingin mo itigil mo yan!" Sita ni mama sakin. Mabuti nalang at wala si tita sa harap ng Jeff na yun kaya binato ko kay Jeff ang banig at diretsong pasok ng kuwarto.

"TOTOY! LUMABAS KA NGA DITO!" Sigaw ni mama sa labas. Napairap nalang ako at itinakip ang unan sa tainga ko. Alam kong bastos yung ginawa ko pero ayokong nandito yung manyak na yun!

"Isa!" Dedma. Nakalock naman yung pintuan e.

"Pagpasensyahan mo na ate. Hindi pa rin ata ayos yang dalawa na yan" rinig kong sabi ni mama. Agad akong nanggigil nang magsalita ang chakang si Jeff.

"I already apologize for what I did. It's even an accident." Pasalamat ka nandito yang mama mong chismosa at baka mabigyan na naman kita ng blackeye

"Buksan mo 'to Totoy. Hanggang kailan ba yang galit mo na yan?" Napayukom ang kamao ko.

"Hanggang sa mamatay yang chakang yan!" Inis na sabi ko at idiniin ang unan sa tainga ko.

Makalipas ang ilang minuto ay saka ko niluwagan ang pagkakadiin ng unan sa tainga ko. Tahimik na ang paligid, kahit ang maliit na TV ni manong ay wala na rin.

Napapikit nalang ako at saka nakatulog.

*******

Nagising ako nang dahil sa napakabigat na pakiramdam. Nang mapatingin sa tabi ko ay akma sana akong babangon nang higpitan ni Jeff ang pagkakayakap sakin.

"Good morning, bading" pilit akong nagpumiglas hanggang sa masipa ko ito paalis sa papag.

"Paano ka nakapasok dito?!" Inis kong sabi at ibinato ang unan nang makitang papalapit ito sakin.

"Tsk! Winasak ko yung pinto. See?" Napatingin ako sa pinto. Naalarma aki at malakas itong sinipa nang muntik na itong lumapit sakin.

"Kala mo ha. Umalis ka na nga dito! Sino bang nagsabing invited ka sa birthday ko? Manyak!" Inis kong sabi at ibinato ang isa ko pang unan.

"Mukha bang interesado ako sa birthday mong walang handa." Mayabang na sabi nito saka dahan dahang lumapit sakin. Akmang kukuha ako ng unan nang mapagtantong dalawa lang pala ang unan namin ni mama dito.

Mabilis itong dumagan sakin at idiniin ang braso ko sa papag.

"Ano ba! Di ka na bata para makipaglaro! Umalis ka na lang dito kung wala ka naman palang ipinunta!" Naiirita kong sabi. Napangisi ito at inilapit ang mukha sakin.

"Saan nakatira si Vanessa?" Agad sumama ang mukha ko at umiwas ng tingin.

"Aba di ka sasagot?" Napapikit nalang ako nang lumapit ang mukha nito sakin. Ramdam ko ang basang bagay sa leeg ko.

"May boyfriend na si Vanessa. Pwede ba Jeff?! Hayaan mo na nga yung tao! Mamanyakin mo lang yun e!" Naiinis na sabi ko dito. Umalis ito sa pagkakadagan sakin.

"Labas! Ayan, bumili ka na muna ng almusal nating dalawa. Bilis!" Gigil na sabi nito at naghagis ng isang daan.  Kusang nakaramdam ng pagkataranta ang katawan ko at walang hilamos na umalis ng bahay.

Kailangan kong paalalahanan si Vane!

________******________

Oh bago kayo magkemehan dyan walang incest na magaganap ok?

Basta maeexplain ko yan next chapter.

VOTE kayo ninggus. Para mabilis ang ud.

Yun lang thx.

PaoroX

I'm His Secret Lover (BxB) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon