CHAPTER 3

1K 91 18
                                    

Namiss ko ulit si Totoy kaya ud me here kahit amoy bilatchi pa ang bibig. Kakagising lng kasi.

EnjOoooOOOOy!

Totoy

"Sexy diba artista yun? Anong mayroon sa inyo? Ikaw ha" nang aasar na sabi nito.

"Wala lang yun manong. Baka naligaw lang kalimutan mo na"

"Bakit ko kakalimutan e idol ko iyong si pogi. Magaling bumanat yan ha napapanood ko sa TV, at ang laki pa ng katawan. Di kana lugi dyan sexy, boto ako sa kaniya" napairap ako sa sinabi nito.

"Hindi ganun yun manong. Nagkita lang kami sa palengke at-"

"Ano bang mali sakin? Huhuhu" agad namula ang mukha ko nang gayahin niya ang sigaw ni Silver kanina.

"Di ako isinilang kahapon sexy, alam kong may namamagitan sa inyo. Sa gandang lalaki niyan hindi yan pupunta sa ganitong klaseng lugar, yayamanin pa oh" napabuntong hininga ako at napahiga sa lapag.

"Oo na manong. Boyfriend ko yung lalaking yun maniwala ka man o hindi" nakanguso kong sabi.

"Naniniwala naman ako sexy. Mas hindi ako maniniwala kung sasabihin mong wala. At huwag kang mag alala, hindi ito makakarating sa mama mo. Basta tulungan mo rin ako sa mama mo" napangiti naman ako dito.

"Kahit naman di mo malaman yung tungkol samin ni Silver suportado pa rin po ako sa inyo ni mama." Napangiti na rin si manong at kinurot ang pisngi ko.

"Sige na sexy matulog kana. Maaga pa kayo ni mama mo bukas" hays gwapo siguro to si manong nung kabataan niya. Hanggang ngayon kasi maappeal e.

"Hindi pa kita pudrakels ang higpit mo na ah. Maya maya na at magchismisan muna tayo"

*******

Buong araw ay tulala akong tumatanggap ng bayad mula sa bumibili samin. Ilang beses na rin akong tinuktukan ni mama ng barya para magising ako sa katotohanan.

"Ano bang nangyari sayo 'nak? Sinasabi ko na nga ba at masamang impluwensya talaga sayo yang mga bakla sa parlor. Yang si Bebang ba naman ang boss nila e" agad ko namang hinampas nang mahina ang bibig ni mama.

"Judger ka talaga ma. Mabait sina ate Bebang no. Mga chismosa kasi kapit-bahay natin kaya naiiba yung kuwento sayo. Huwag kang makinig sa mga yun" pagpapaliwanag ko dito habang binibilang ang kita namin ngayong araw.

"Saan pa ba ako kukuha ng balita edi sa mga kapit-bahay natin. At isa pa, malaki kana 'nak kaya kung alam mong mapapasama ka e wag mong gagawin. Nagpapaalala lang naman"

"Mama naman e. Oo naman no grabe ka sakin. Hanggang beshy beshy lang ako sa kanila" napangiti naman si mama.

"O siya, maaga natin naubos tong tinda. Ako e maglalabada pa ako ayan sikwenta at maglibang ka naman. Ako na bahala sa shampoo natin huwag mo nang ibili yan. Para sayo talaga yan" bigay nito ng lumang papel ngunit di ko na ito kinuha. May pera pa si Silver sakin ayoko lang galawin. Wala talaga sa isip ko na gastusin to at baka balang araw ipamukha niya sakin tong pera na 'to.

Pakiramdam ko kasi kahit anong oras  maghihiwalay na kami...

"Di ko keribels ma dagdag niyo nalang sa mga kailangan sa bahay. Tatambay muna me sa parlor sige na ma, bye!" Agad akong tumakbo paalis sa puwesto at alam kong makulit si mama.

Sa paglabas ko ng palengke ay nakita ko si Kuya Mac na may inaasikasong customer. Napatingin ito sakin at maliit na ngumiti. Gumanti rin ako dito ng ngiti saka tuluyan nang lumabas ng palengke.

******

"Bading ka ang daming calls ng boylet mo. Di ko masagot busybels ako dito. Andyan yung cellphone ko sa cabinet baka hanggang ngayon tumatawag pa din" agad naman akong pumasok sa kuwarto niya at agad kong natunton ang cellphone ni Ate Pawy at tumutunog pa rin nga.

I'm His Secret Lover (BxB) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon