CHAPTER 18

795 68 6
                                    

Officially na akong devirginized. Got my pfizer vaccine last time. 1st dose yon mga momsh. Pabakuna na din kayo para zombie na tayo sa 2030 HAHAHAHAAH.

VOTE AND ENJOOOY!

Open pa rin po ang ating fb group. Hunting you special chapter at sequel ng '7' ay published na doon. May bonus pang EXTRAS.

Totoy

"Eh paano naman po si manong? Bakit niyo naman po hinayaang mawala sa bahay si manong?" Yamot na yamot kong sabi. Kasalukuyan kaming nasa palengke at kanina pa nagkakamot ng ulo si mama.

"Ilang beses ko bang sasabihing hindi naman ako ang nagpapaupa doon? " naiinis na sabi nito.

"Tsk paano na si manong hmp! Parang wala ka namang kaconcern concern sa kaniya"

"Che! Totoy jusko kang bata ka, tigil tigilan mo yang akala mo concern ka talaga kay manong. Ako tigil tigilan mo ko ah. Hindi mo nga sinabi saking may relasyon kayo ng taong yun. Oh ayan pagbentahan mo" nakasimangot akong naglakad padabog paharap sa customer.

"Wala na nga kami e! Ano pong sa inyo?" Walang gana kong sabi. Nagulat ako nang bigla nitong hawakan ang kamay ko.

"Bakit naman nakasimangot yang love ko? Tita, pakyawin ko na po to lahat" bahagyang nanlaki ang mata ko nang ibaba ni Jimmy ang hood niya.

"Ay Jimmy ikaw pala iyan." Biglang ngiti ni mama. Napairap ako.

"Bakit mo papakyawin to? Aanhin mo naman ang paninda namin?" Mataray kong sabi. Bahagyang nanlaki ang mata ko kasabay ng mahinang pagsinghap ng mga nagtitinda mula sa katabi ng puwesto namin nang halikan nito ang kamay ko.

"Gusto kita yayain lumabas, love. Para makapagpahinga din si tita oh" nakangiting sabi nito at kinindatan pa si mama. Inis kong binunggo ng braso si mama na sinusundot ang baywang ko.

"Tsk ma. Magkano ba lahat yan? Siya naman may sabi e" tinaasan ko ng kilay si Jimmy nang magsimulang magkwenta si mama.

"Ikaw ba alam to ni mommy mo?" Naiinis na sabi ko dito. Oo, pumayag akong manligaw siya sa akin. Hindi naman pala ako pumayag, nagsabi lang siya sakin na manliligaw siya. Sino ba naman ako para pigilan yun?

At isa pa, ito ang unang beses na may nanligaw sa kagaya ko. Medyo naramdaman ko kasing special ako kaya di ko na rin pinigilan. Gusto ko na rin kasing makawala sa kasumpa sumpang feelings na to para kay Silver.

"Oo alam ni mommy. Matagal na" tumaas taas pa ang kilay nito. Nakaramdam ako ng kakaibang bagay sa puson ko dahil ngayon ko lang ulit napansin kung gaano kapogi itong si Jimmy. Nakawax kasi ang kaniyang buhok ngayon at manipis na t-shirt ang kaniyang suot dahilan ng paglitaw ng maumbok niyang dibdib.

"Hmp! Ma ano na at peperahan ko pa itong si bespren" pabiro kong sabi. Natawa naman si mama at binigay ang resibo kay Jimmy. Agad naman ang abot si Jimmy ng dalawang blue bill at akmang susuklian ni mama si Silver nang pigilan siya nito.

"Keep the change po tita. Ipang spa niyo nalang po sa mga kaibigan ni Totoy ang sukli" nakangiting sabi nito. Tinutukoy niya ay sina ate Bebang.

"Hala iho hindi ko na tatanggihan iyan at gusto ko din makilala ang mga kaibigan nitong batang to. May gusto ka pa ba Jimmy?" Nakangiting tanong ni mama.

"Pakibalot nalang po ng tig-iisang kilo yan tita. May bibigyan po kasi ako"

******

"Wooh! Pati pala kapit-bahay namin liligawan mo pa. Tsk paano ako makakatanggi sayo niyan bespren" kakatapos lang namin mamahagi ng tig-iisang kilo na tinda naming isda. At kada bahay grabe niya ako ipakilala. Parang ako ang buhay niya e.

I'm His Secret Lover (BxB) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon