CHAPTER 17

690 71 11
                                    

PRESS VOTE ANG DO COMMENT NINGGUS!

Maharl ko keyo.

Enjooooy

Totoy

"Jimmy? Pwede doon muna ako sa inyo matulog?" Bigla kong tanong habang nakasakay kami sa vikings. Nanlalaki naman ang mga mata nitong nakatingin sakin at chineck pa ang temperatura ko sa pamamagitan ng paghipo sa noo.

"Di ka ba nilalagnat bespren? Sigurado kang ayos kalang?" Nag aalala nitong sambit. Sinamaan ko ito ng tingin bago iniakbay sa akin ang mabigat nitong braso. Magsisimula na kasing umandar yung ride.

"Ayaw mo ba?" Tanong ko dito.

"Syempre gusto. Nakakapagtaka lang naman kasi bigla kang nagyaya." Ngumiti naman ako at napakapit sa kaniya nang magsimulang umandar ang vikings.

"Tsk namiss ko lang yung kuwarto mo no. Ilang taon na ba akong di nakakapasok doon?" Tanong ko dito at ipinikit ang mga mata dahil sa totoo lang ay nalulula na ako.

"Yeah matagal tagal na nga. Well ok, ako na bahala magsabi kay tita." Ramdam kong mas hinigpitan nito ang pagkakaakap sakin. Isinandal ko nalang din ang ulo ko sa matipunong dibdib nito.

Namimiss ko na siya agad...

******

"Hay naku mabuti nga yan at maging maingay naman ang kuwarto ni Jimmy. Puro aral at computer lang yan dito naku. Buti naman at naisipan mong makitulog dito." Natutuwang sabi ng mama ni Jimmy. Nasa hapag kami ngayon at kasalukuyang kumakain ng hapunan.

"Salamat po tita." Ang sasarap ng ulam dito. Kaso di ako pwedeng magtagal dito lalo pa't magtataka si mama kung bakit di ako umuuwi.

At isa pa, kailangan ko siyang tulungan sa pagtitinda. Na alam kong alam ni Silver kaya hangga't maaari ay hindi muna ako pupunta sa lugar namin.

"Una na ako mom, ayusin ko lang saglit yung kuwarto ko" pagtayo ni Jimmy at ngumiti sakin sabay alis ng hapag kainan.

Natahimik saglit ang paligid. Napatingin ako kay tita nang magsalita ito.

"Ikaw ba Totoy may nagugustuhan ka na?" Biglang tanong nito.

"E-eh mayroon na po hehe" naiilang kong sagot. Mas binilisan ko na ang pagkain dahil bihirang magtanong si tita ng ganito sakin.

"Si Jimmy ba e hindi mo napapansin?" Bahagyang nanlaki ang mata ko at napakunot ang noo.

"I-ibig kong sabihin iho, hindi mo ba napapansin si Jimmy na may alam mo na. Niligawan." Napatango tango naman ako at nakahinga nang maluwag.

"Wala naman po siyang nababanggit. Kapag meron po, kayo po ang una kong sasabihan" nakangiting sabi ko dito.

"Naku iho. Ihanda mo nalang ang sarili mo at alam mong makulit ang anak ko. Mukhang di na kaya magpigil non e" natatawang sabi nito saka umiiling iling na kumain. Nagkibit balikat nalang ako at tinuloy ang pagkain.

******

"Pagamit muna ng computer mo bespren." Paghawak ko sa balikat nito. Gosh. Sabay kaming naligo kanina at buti nalang ay may dalawang cubicle ang banyo niya. Ang galing lang kasi dati sabay din kaming naliligo pero wala pa yung cubicle.

"May ginagawa ako bespren. Sa cellphone ko nalang kung magffacebook ka. Naghahabol ako ng deadline" napanguso naman ako at kinuha ang cp nito. Gusto ko kasi sa computer niya ang bilis kasi non halos di na nagloloading.

"Anong pattern?" Pagpapakita ko ng phone sa kaniya. Itinapat niya lang ang mukha niya sa phone at kusa na itong nag open.

"Wow! Isa pa nga" muli kong pinatay ang phone at itinapat sa kaniya ang phone. Bumukas ito dahilan para mapalakpak ako.

"Ang galing naman." Napahiga na ako sa kama ni Jimmy at sinimulan nang magkalkal ng aking facebook.

Una kong inasikaso si Silver. Binlock ko kagaya ng suhestyon sakin ni Vanessa.

Matapos non ay chineck ko agad ang pm sakin ni Vanessa. Puro lang iyong tungkol sa pakikipaghiwalay ko kay Silver. Nag message nalang ako ng 'done na' saka bumalik sa newsfeed.

"Bespren! Yung first love mo oh!" Nasabi ko nang makita ko si Anne at itinapat ang cellphone ko sa kanya.

Nanliliit naman ang mga mata nitong tumingin sa phone niya at mabilis na  ibinalik ang tingin sa computer.

"Di ko siya first love no. Iisa lang ang first love ko. Crush ko lang yan dati" napasimangot naman ako.

"Bat di mo sinasabi sakin? Wew nagtatago ng sekreto" ay wow Totoy coming from you chaka ka.

"Di naman kasi secret yon" tumayo na ito sa computer at pinatay iyon saka tumabi sakin sa kama at yumakap.

"Bakit di ko alam?" Taka kong tanong. Nanlaki ang mata ko nang humarap ito sakin at dahan dahang lumapit ang mukha nito sakin.

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Tuluyang tumahimik ang paligid nang dumikit ang labi nito sa labi ko.

"Kasi di mo ako pinapansin. Ikaw ang first love ko bespren at ikaw lang ang mamahalin ko" nakangiting sabi nito. Ramdam ko ang paninigas ng katawan ko at pinilit kong ngumiti kahit alam kong itsurang awkward yun.

"H-huh? Seryoso k-kaba?" Kinakabahan kong tanong. Nagseryoso ang mukha nito at muling humalik sakin. Mabilis lang iyon pero sa pagkakataong yon ay ramdam ko ang pagmamahal ni Jimmy sakin.

"Hindi ako nagbibiro kapag feelings ang usapan bespren. Kilala mo ako" seryosong sambit nito at muling lumapit ang mukha nito. Sa pagkakataong ito ay mas tumagal ang halik niya. Napabitaw nalang ako at napatalikod dito nang matapos ang matagal niyang halik.

"H-hindi ko pa alam, Jimmy. Di ako naniniwala..." Malungkot kong sabi at yumakap sa unan. Ramdam kong yumakap din ito sakin at humalik sa leeg ko.

"Take your time, love. I can wait" husky ang boses nito at isiniksik ang mukha niya sa aking leeg.

Bakit ngayon pa Jimmy?

Bakit hindi nung mga bata pa tayo? Nung panahong crush na crush pa kita...

******

Napilitan akong umuwi sa lugar namin dahil sa nangyari. Alam kong ramdam ni Jimmy ang pagiging ilang ko sa kaniya. Ngayon ay kasalukuyan akong nasa kwek-kwekan ni Vanessa.

Di ako dumiretso sa bahay at alam kong nandoon si Silver. Tama nga ako.

"Naku bakla di ko na alam ang gagawin ko. Nagwawala kagabi si Silver sa tapat ng bahay niyo. Totoo ba? Hiwalay na kayo?" Tanong nito.

"Tapos na nga kami. Kahit masakit sakin, kailangan kong lakasan ang loob ko kasi tama ka, di na healthy yung relasyon namin" napangiti naman si Vanessa.

"Gaga be charot lang naman yon HAHAHAJA!" sinamaan ko ito ng tingin at tumuhog ng kwek-kwek.

"Eh bakit nandoon pa yun? Shala ka Vane paano kung siraan ako ni Silver kay mama?" Kinakabahan kong tanong.

"Huwag ka mag alala. Mas malala pa diyan ang nangyari." Kinabahan ako sa sinabi nito.

"H-huh? May mas malala pa bang mangyayari doon?" Tanong ko dito.

"Sa inyo na titira si Silver."

_________*****_________

Hays sensya. Nahuli ako kagabi abahahahahshs. Kaya tulog tulugan momint.

So yon vote at comment.

PaoroX

I'm His Secret Lover (BxB) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon