CHAPTER 6

836 73 15
                                    

AAAAAAAA NAIINLOVE AKO SA ASO NG KAPIT BAHAY NAMIN HELP!

Askal lang siya pero ang hot pang furry ang datingan. Kung bitch lang ako (babaeng aso) magpapakemerut ako agad. HAHAHAHAHA!

ENJOOOOOY!

Totoy

Buong araw ay tulala lang ako. Magkikita na naman kami mamayang gabi sa tagpuan. Sa nakita ko di ko alam kung paano siya pakikitunguhan.

"Bespren sabihin mo na kasi. Di ako makakatulog sige ka" pagpupumilit ni Jimmy. Umiling lang ako at ngumiti nang tipid.

"May reggy ako today, bespren. Wala kang kasalanan, promise. Medyo nasira lang araw ko kasi...."

"Kasi?" Napangiti na lang ako at kinurot ang pisngi nito.

"Kasi namiss ko si mama. Yun lang hehe. Mama's gay kasi ako diba? Like you" natahimik ito kaya medyo kinabahan ako.

Maya maya ay bigla itong yumakap sakin nang mahigpit.

"Baliw ka bespren. Nag alala kaya ako. Nakakainis ah kiss mo nga ako!" Parang bata na sabi nito. Mabilis akong humalik sa pisngi nito at muling kinurot ang pisngi nito.

"Oh baka pwedeng idiretso mo na ako sa amin. Kanina ko pa gustong umuwi, ikaw naman kasi sabing may trabaho ako e" napangiti ito at kinalabit ang driver ng mama niya.

"Narinig mo si boss? Sa bahay daw nila" napangiti naman ang driver. Kahit sino mapapangiti sa ganitong vibes at cuteness ni Jimmy.

"Copy boss"

******

"Pasok ka Jimmy. Pasensya na ah at ganito lang ang buhay namin at di karangya ng sa iyo. Kumusta si mama mo?" Napakamot naman ito ng ulo.

"She's fine and still beautiful like you tita" napahawak naman sa pisngi si mama at bahagyang hinampas si Jimmy sa dibdib.

"Ikaw talaga! Pasok ka dali!" Naku ang saya saya na naman ni mama. Buti wala si manong dito at baka kanina pa nagselos yon. Crush kasi ni mama si Jimmy.

"Hindi po ako magtatagal tita at may gagawin pa po akong project. Ito po oh pinapaabot ni mama, suhol daw po para sa pang aabala ko kay bespren" agad namang umiling si mama.

"Naku hindi na Jimmy, pakisalamat nalang ako sa mama mo. Hindi kaba talaga pwedeng lumagi muna dito?" Malakas kong nahampas si mama sa braso.

"Ano ba ma may gagawin nga e. Mamaya na lumandi may bibili oh!" Turo ko sa kadarating palang na customer. Agad namang umayos si mama at hinarap iyon.

"Sige na Jimmy, paki keep nalang yan at nag aaral ka. Baka kailanganin mo yan, ok lang kami" napasimangot naman ito at ibinulsa ang sobre.

"Tsk oo na. Bye bespren!" Ngumiti ako dito.

"Bye din bespren. I love you!" Sigaw ko bago ako pumunta sa tabi ni mama.

"I love you more bespren, bye!" Bahagyang binunggo ito ng driver niya habang papalayo sila. Nagtatawanan itong umalis na nagpangiti lalo sakin nang malaki.

Napakapositive talaga ni Jimmy. Nakakahawa.

"Jojowain mo ba yun si Jimmy anak o papaasahin mo lang?" Biglang tanong ni mama. Napairap naman ako dito.

"Kaibigan lang kami ni Jimmy ma. Wala kang dapat ikabahala-"

"Hindi ako nababahala. Magiging masaya pa ako kung magiging kayo ni Jimmy. Halata namang gusto ka nung tao. Manhid mo nak" napangiwi ako sa sinabi ni mama.

"Momshie wag ka nga. Ganun lang talaga kami ni Jimmy, baka nga may girlfriend yon e. Walang gusto yun sakin, straight yun"

"Eh paano nga kung meron? Ano? May mangyayari ba? Feeling ko kasi aasa lang sayo si Jimmy. Naaawa na ako sa kaniya ngayon palang." Napatahimik ako. Rinig ko ang pagbuntong hininga ni mama.

I'm His Secret Lover (BxB) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon