CHAPTER 20

770 65 6
                                    

VOTE na agad. By the way guys kung pwede pakisend sakin kung may nakikita kayong story ko sa fb lalo na sa public bl group. Tulungan niyo kong matapos ang kaputanginahan ng mga deputang walang imagination at nagnanakaw ng gawa ng iba.

Nairita lang me.

Enjoy!

Totoy

Literal na tahimik ang paligid habang nagpapakiramdaman kami dito. Kasalukuyan kaming nasa dati naming tirahan. Katabi ko si Kuya Mac at mama na nakaupo sa lapag habang sina Silver at ang mama niya ay nakaupo sa plastic na upuan na balak na naming iwan dito.

Ramdam ko ang kanina pang masamang titig sakin ni Silver. Hindi ko sigurado pero baka dahil kanina pa ako kapit na kapit kay Kuya Mac.

"Tungkol sa pakiusap mo iho, si Totoy ang kausapin mo at wala talaga akong kaalam alam sa nangyayari." Pagbasag ni mama sa katahimikan.

"Hmp! Ang arte arte di naman babae" naiiritang sabi ng mama ni Silver dahilan para itaas ni mama ang malaking kalderong hawak niya. Napangiti naman ito kay mama nang pilit.

Kanina kasi ay lumuhod lang naman si Silver para sabihing huwag kaming umalis. Hindi ganun yun kadali lalo pa't wala na kaming tirahan dito, tapos na rin naman kami kaya walang dahilan para manatili pa ako dito.

"Sorry Silver, ayoko na mainvolve sa sayo lalo na sa mama at papa mo. Wala naman na tayo at masaya na ako sa isang taon na kahit papaano naging tayo. Ayos na yun." Paghingi ko ng tawad dito. Inis naman itong napatayo at akmang lalapit sakin nang agad humarang si Kuya Mac.

"Hon! Honey please, huwag ka naman ganito oh!" Inis na sigaw nito at akmang lalapit sakin nang itulak ito ni Kuya Mac.

"Pre. Rumespeto ka naman sa desisyon nung tao." Mahinahong sabi nito. Agad naman kaming napatayo ni mama ng malakas itong sapakin ni Silver.

"Bakit kaba nakikialam?! Paano ako honey? Hindi mo manlang ba rerespetuhin yung desisyon ko? Mahal kita e" nangarag ang boses nito kasabay nang pagpatak ng luha niya. Agad naman akong nakaramdam ng sakit at akmang lalapitan na ito nang yumakap sakin si mama.

"Huwag nak. Sa ibang araw nalang at ayoko ng gulo. Tapusin mo na to ngayon at kailangan na nating umalis" mahinang bulong nito. Napahinga nalang ako nang malalim.

Napatayo ako at ngumiti kay Silver.

"Sa isang taon na nagsama tayo ni minsan ba nirespeto mo yung gusto ko? Tama na Silver, sawang sawa na ako sayo. Oo aaminin ko, gusto pa rin kita pero kailangan ko ring hayaan ang sarili ko na lumaya sa kagaya mo. Hanggang dito nalang to. Tara na ma" sinungaling. Napakasinungaling mo Totoy....

Agad naman akong tumalikod kay Silver para di niya na makita pa ang mukha ko.

Napatigil ako nang makaramdam ng yakap mula sa likod ko.

"SILVER!"

"Mark, bigyan mo ko ng 2nd chance. Huwag kalang umalis, huwag mo kong iiwan" mahinang bulong nito. Di ako nagdalawang isip na tanggalin ang pagkakayakap nito sakin ngunit pagkatanggal ko ay muli lang itong yumakap. Mas mahigpit at ramdam ko na rin ang pamamasa ng likod ko dahil sa luha ni Silver.

"Marami kang chance noon para itama yung mga mali mo. Hinayaan kita, kasi mahal na mahal kita. Kahit ilang beses mo akong sinaktan, hindi ka nakarinig ng kahit ano sakin.  Kailangan ko ng time, Silver. Hayaan mo muna akong mabuhay nang hindi sumusunod sayo. Tara na ma" binigla ko ang pagtanggal sa pagkakayakap nito.

Ramdam ko ang pag akbay ni Kuya Mac at paghimas ni mama sa likod ko. Di ko mapigilang mapahikbi habang papalayo kay Silver.

Tama lang ang ginawa mo Totoy...

I'm His Secret Lover (BxB) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon