CHAPTER 24

644 58 11
                                    

Vote na agad bago magbasa.

Sana yung mga silent reader wag na kayong maging silent sakin at approachable naman ako. Ang sakit niyo

Enjoy!

Totoy

"Silver gising. Pauwi na si mama uy!" Pagkalabit ko kay Silver. Buong maghapon ay pinanood ko lang siya matulog. Di naman nakakasawa pero kailangan e.

Ano ba tong nangyayari sakin panigurado masasaktan ako ni Vanessa sa ginagawa ko.

"Hmm...5 minutes please..." Ungol nito at tumalikod sakin. Ang laki laking tao ni Silver paano kaya siya lumabas sa pempem ng mama niya?

"Silver baka maabutan ka ni mama. Tayo ka na dyan tsk!" Naiinis kong sabi. Inis itong nagkamot ng ulo at mabilis akong hinila pahiga sa kaniya.

"Paano nalang kung maging mag-asawa tayo, lagi mo bang iistorbohin tulog ko?" Agad namang kumabog ang puso kong manhid at inis na tumayo at hinampas si Silver.

"Pwede ba wala akong balak magpakasal sayo. Aalis ka o di na kita kakausapin kahit kailan?" Mataray kong sabi. Yamot naman itong tumayo at masamang tumingin sakin.

"Oh maligo ka na muna tas kumain ka para kahit paano mahimasmasan ka. Di ko alam bakit mo pa ako ginagambala." Naiinis kong sabi at mahinang binato sa kaniya ang tuwalya.

"Tsk isn't obvious? Mahal pa rin kita Toy, di ako susuko sayo" seryosong sabi nito. Napairap ako sa sinabi nito.

"Ako hindi. Kaya hangga't maaari sana iwasan mong pumunta dito." Hehe kunwari lang yan syempre ang totoo e gusto kong nakikita siya. Gusto ko ngang kurutin si Vanessa ngayon para maiparamdam ko kung gaano ako kinikilig. Ewan masarap talaga magmahal kahit ang sakit sakit shutangina.

"Ayoko nga. Pupunta ako kung kailan ko gusto. Balak ko pa ngang tumira dito e. Tandaan mo, hindi pa ako pumapayag sa hiwalayang sinasabi mo."

"Maligo ka nalang"

"Yes boss. Pasalamat ka mahal kita, baka nasargo ko na yang mukha mo. Ayoko ng inuutusan ako Totoy." Seryosong sabi nito. Medyo kinabahan ako kasi matalim yung pagkakatingin niya.

"Edi wag k-kang pupunta dito." Pumasok na ito ng banyo. Saka ko lang napagtantong wala palang shampoo sa banyo kaya agad kong kinuha yung pinabiling shampoo ni mama at kumatok sa banyo.

"Silver shampoo-AAAHHH!" Halos humiwalay ang kaluluwa ko sa biglang paghila ni Silver sakin.

"Huy ano ba! Makahila naman e!"

"Ikaw na maglagay ng shampoo tas sabayan mo ng massage." Umupo ito sa lapag. Kahit nakaupo ang tangkad niya jusko nakakangalay to panigurado.

"Makautos ha! Di kaba nahihiya nakahubad ka tas papapasukin mo ko"

"Tss makikita mo rin naman to soon. Maganda naman katawan ko bakit ako mahihiya?" Muli akong napairap sa sinabi nito. Wala e tama naman siya, maganda talaga ang katawan niya tas ang kinis pa. Walang kapeklat peklat.

Natahimik kami habang minamasahe ko ang ulo niyang mabula.

"Sorry Mark...di ko alam..gulong gulo ako nitong mga nakaraan simula nang makipag-break ka sakin. Di ko na alam ginagawa ko, nagiging padalos dalos na ako sa desisyon ko...baka pwedeng bumalik na tayo sa dati?" Seryosong sabi nito.

Natahimik ako sandali.

"Bakit di ka nalang maghanap ng iba, Silver?" Nabigla ako nang bigla itong tumayo at tinulak ako pasandal sa pader.

"Bakit ba ang dali lang sayong sabihin yan?!" Salubong ang kilay na sabi nito. Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko nang dumaan sa paningin ko ang junjun nitong tulog pa at ang katawan niyang yummy. Naku nagkakasala na ako, napakahalay Totoy!

I'm His Secret Lover (BxB) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon