CHAPTER 23

717 67 10
                                    

May nagbabasa paba nito? Comment ang vote naman kayo baka kasi wala na di na akez mag uud dito.

Yun lang enjoy!

Hi Asong_Sumisigaw. Kagatin mo nalang ako

Totoy

"Huh? Ako ba?" Takang tanong ko dito. Ramdam ko ang bigat ng ulo nito sa balikat ko.

Napalingon ito sakin.

"H-hindi haha! Ewan wala lang ako sa sarili ko this week. Bayaran na kasi sa susunod na linggo ng lupa tas paparating pa yung panibagong bill ng kuryente." Nakangiti man si Ricky pero feel kong mabigat yung pinagdadaanan niya.

"Baka madamay kami dyan Ricky ah. Naku kakalipat lang namin" nag aalala kong sabi dahilan para matawa ito.

"De nakahanda naman na yung pambayad at ayokong mamroblema nang todo. Ang problema ko lang naman dito yung katabi niyong kuwarto, ilang buwan na kasi di nakakapagbayad. Gusto ko na nga palayasin e pero mukhang hirap talaga" bumuntong hininga pa ito.

"Kailangan mo ba ng yakap?" Tanong ko dito. Di ito kumibo at kusang yumakap sakin. Tahimik kaming nakaupo hanggang sa siya na mismo ang bumitaw at tumayo.

"Sige na at kailangan ko pa pumasok sa trabaho. Hehe mas motivated na ako ngayon kesa kanina." Nakangiting sabi nito. Napangiti na din ako dahil nadadala ako sa kaniya. Iba siya ngumiti e.

"Hehe sige lang Ricky. Mukhang ayos ka naman pala. Malakas lang siguro tama mo nitong nakaraan" pabiro kong sabi.

"Mataray kalang talaga Mark, yun lang yun" nakangiting sabi nito.

"Sige na at may pasok kapa. Napakasipag mo naman pala. Swerte ng mapapangasawa mo"

*******

Ricky

Pagkalabas ko ng kuwarto ni Mark ay mabilis akong huminga ng malalim habang hawak hawak ang dibdib ko.

Oo Mark, napakasuwerte mo kasi ikaw ang balak ko asawahin.

Finally. Nahanap na rin kita sa wakas...

Gustong gusto ko na siya halikan. Grabe ang pagpipigil na ginagawa ko. Iba pa rin ang epekto niya sakin...

Umiiling iling akong bumaba sa kuwarto ko. Nang makapasok ay dali dali kong tinanggal ang mga litrato namin mula pagkabata hanggang sa highschool.

Mahirap nang makita niya to. Di pa ako ready.

Kailangan ko na kausapin si Silver. Mukhang di ko na makakaya pang pigilan pa ang nararamdaman ko lalo pa't malapit lang siya sakin.

******

Totoy

Akmang hihiga na ako sa sofa nang may bigla na namang kumatok sa pintuan namin. Dali dali ko naman itong binuksan at agad nanlaki ang mga mata nang makita si Silver na may dalang bagahe.

"A-anong ginagawa mo dito? At bakit ka may dalang bagahe? Naglayas kaba?" Sunod sunod kong tanong. Saka ko lang napagtantong nakainom si Silver.

"Mahal na mahal kita honey ko...pakiss naman muwah!" Wala sa sariling sabi nito ay yumakap sakin.

"Silver..." Gusto ko sanang sabihin na tapusin na namin ang lahat ngayon pero di ko kaya. Matapos ng lahat ng nangyari parang sa isang yakap lang ni Silver nawala lahat yun. Sino ba naman kasing niloko ko. Mahal ko pa rin naman kasi si Silver...

Inalalayan ko ito paupo sa sofa. Ramdam kong nakatitig ito sakin habang hinihugasan ko ang pitsel na ginami ni Ricky kanina.

"I love you honey..." Rinig kong sabi nito. Napatingin ako dito at di ako nagkamali. Nakapangumbaba pa ito habang nakangiting nakatitig sakin.

I'm His Secret Lover (BxB) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon